RR sa umano'y 'di pagbati ni Andi sa inang si Jaclyn; "Nakaka-sad siya para sa isang magulang"

RR sa umano'y 'di pagbati ni Andi sa inang si Jaclyn; "Nakaka-sad siya para sa isang magulang"

- Nagbigay komento si RR Enriquez sa umano'y isyu kamakailan ng mag-inang sina Jaclyn Jose at Andi Eigenmann

- Aniya, masakit umano para sa isang magulang ng hindi naalalang batiin ng kanyang anak sa kanyang kaarawan

- Ayon pa kay RR, sana'y mayroon talagang rason ang umano'y 'di pagbati ni Andi at hindi ito sinadya

- Sa ngayon, wala pa rin umanong paliwanag mula sa panig ni Andi kung bakit hindi nabati ang ina sa espesyal na araw nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa sinawsawan ni 'Sawsawera Queen' RR Enriquez ang isyu kamakailan ng mag-inang sina Jaclyn Jose at Andi Eigenmann.

RR sa umano'y 'di pagbati ni Andi sa inang si Jaclyn; "Nakaka-sad siya para sa isang magulang"
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na marami ang umano'y nagtaka sa isiniwalat na ito ni Jaclyn na tila nakalimot si Andi na siya at batiin manlang sa kanyang kaarawan.

Ayon kay RR, masakit umano ito sa isang magulang lalo na at nagdiriwang pa naman ito ng kanyang espesyal na araw.

Read also

Bernadette Sembrano sa pangangalakal na ginagawa ng mister; "I like doing it"

"Ano ba naman 'yung konting pag-message message lang 'hi' especially on their special occasion like birthday 'di ba. Wala naman sigurong masama kung i-greet mo lang ng Happy Birthday."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, baka naman busy raw talaga si Andi o kaya'y may hindi inaasahang pangyayari tulad ng mawalan ng kuryente o wifi.

"Maraming pwedeng mangyari e. Kung ano man yung reason na hindi nakapag-greet. I really hope na may reason talaga hindi 'yung sinadyang hindi batiin. Kasi para sa akin, nakaka-sad siya para sa isang magulang."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang RR Enriquez Sawsawera Queen:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz. Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Read also

Maymay Entrata sa prank ni Robi Domingo: "Hindi maganda kuya"

Matatandaang sa isa sa kanyang mga episodes, makulit na hinamon ni RR si Ivana Alawi ng paseksihan. Isang karangalan daw umano ay RR na maihambing pa kay Ivana gayung alam niya na ito'y mas bata sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel