Maymay Entrata sa prank ni Robi Domingo: "Hindi maganda kuya"

Maymay Entrata sa prank ni Robi Domingo: "Hindi maganda kuya"

- Pinagtripan ni Robi Domingo sina Maymay Entrata, Edward Barber at Doni Pangilinan matapos nitong ipanood ang isang video

- Ito ay ang video ng fiancée ni Robi na si Maiqui Pineda na nakasuot ng bridal dress

- Seryosong-seryoso sa panonood ang tatlo at inakala pang tapos nang ikasal sina Maiqui at Robi

- Napa-walk out si Donny nang sabihin ni Robi na pinakita lang niya ang video ni Maiqui nang kunin siyang mag modelo ng isang photographer

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang video ni Robi Domingo kung saan napag-tripan niya sina Maymay Entrata, Edward Barber at Doni Pangilinan na i-prank. Seryosong-seryoso sa panonood ang tatlo at inakala pang tapos nang ikasal sina Maiqui Pineda at Robi.

Robi Domingo, sinabing mas mahalaga ang audience kesa sa "market"
Robi Domingo, sinabing mas mahalaga ang audience kesa sa "market" (@iamrobidomingo)
Source: Instagram

Makikita sa naturang video si Maiqui na nakagayak bilang bride at may hawak ding bridal bouquet. Ang setup ng naturang video ay tila kuha din sa isang kasal kaya naisip nilang ikinasal na nga ang dalawa. Napatanong pa sila kung bakit hindi sila imbitado.

Read also

Kris Aquino, ipatitingin na rin sa doktor sina Josh at Bimby ani Cristy Fermin

Napa-walk out si Donny nang sabihin ni Robi na pinakita lang niya ang video ni Maiqui nang kunin siyang mag modelo ng isang photographer.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo o mas kilala bilang si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host. Una siyang sumikat sa mundo ng showbiz nang sumali siya at kinilala bilang first runner-up ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Naging bahagi siya ng mga artista ng Star Magic.

Matatandaang nagbigay komento si Rob kaugnay sa viral na PBB teens episode. Imbis na Gomburza ang isagot patungkol sa Filipino martyr priests, "MaJoHa" ang isinagot ng housemate. Kaya naman may hamon si Robi sa mga content creators ngayon sa paglikha ng mas makabuluhang mga konsepto ng kanilang video. Aniya, nasasalamin din sa pangyayari ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Kabilang si Robi sa naging usap-usapan lalo nang mabanggit sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino. Sa kanyang official Twitter page, nagpost si Robi ng tanong na "how true." Dahil sa kainitan ng isyu tungkol sa mga screenshots na nilabas ni Wilbert Tolentino, hindi maiwasan ng mga netizens na iugnay ang post na ito ni Robi sa isyu.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel