Kris Aquino, ipatitingin na rin sa doktor sina Josh at Bimby ani Cristy Fermin

Kris Aquino, ipatitingin na rin sa doktor sina Josh at Bimby ani Cristy Fermin

- Ipatitingin na rin ni Kris Aquino ang mga anak na sina Josh at Bimby sa doktor base umano sa pinakahuli nitong socmed post

- Ito ay upang masiguro na maayos ang kalagayan ng dalawa at makita ang posibleng karamdaman nito kung meron man

- Sa ganitong paraan, makakasama mas madalas ni Kris ang mga anak at maalagaan din siya ng mga ito

- Matatandaang kamakailan, ibinahagi ni Vice Governor Mark Leviste ang larawan niya kasama si Kris Aquino nang magkaroon siya ng pagkakataong bisitahin ito sa Amerika

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging sina Bimby at Josh ay ipache-check up na rin umano ni Kris Aquino base sa pinakabago niyang social media post.

Kris Aquino, ipatitingin na rin sa doktor sina Josh at Bimby ani Cristy Fermin
Kris Aquino, ipatitingin na rin sa doktor sina Josh at Bimby ani Cristy Fermin
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga tinalakay nina Romel Chika, Wendell Alvarez at Cristy Fermin sa pinakabagong episode ng kanilang YouTube channel na 'Showbiz Now Na.'

Read also

Jessy Mendiola, binahagi ang nakakaaliw na reaksiyon ni Vilma Santos nang unang makita ang apo

"Isasabay niya ang kanyang mga anak sa pagpapa-confine sa ospital, habang nasa hospital siya titingnan na rin, ipapa-check up niya na rin ang kanyang dalawang anak," pahayag ni Romel Chika.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon pa kay Cristy, nais lamang na makasiguro ni Kris na maayos ang kalagayan ng kanyang mga anak sakaling mayroon ang mga itong mamana na sakit mula sa kanya.

"Babantayan daw niya si Bimby dahil oo nga at napakatangkad malaking tao pero parang baby pa rin... menor de edad," ani Cristy.

"Ang inaalala po ni Kris ay yung daloy ng dugo ng kanyang mga anak. Siyempre nga naman siya ang ina, natural lamang na 'di ba ganoon naman 'yun yung mga heridetary na tinatawag natin. Namamana ng mga sakit. So kailangan ngayon pa lamang habang may magagawa pang paraan ipa-check up na ang kanyang mga anak," dagdag pa niya.

Read also

Robin Padilla, responsableng ama na dapat umanong tularan ayon kay Cristy Fermin

Ito rin ang nakikita nilang pagkakataon para mas madalas na ring makasama ni Kris ang mga anak at maalagaan din siya ng mga ito.

Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Isa sa mga natalakay sa kanyang mga Showbiz channel ay ang naging hidwaan ng mag-inang sina Matet De Leon at Nora Aunor dahil umano sa sardinas.

Aminado si Matet na sumama ang loob sa ina na tila ginaya 'di umano ang negosyong kanyang pinasok na sa tingin niya'y hindi magandang ideya at makaaapekto sa kanilang benta.

Dala umano ng sama ng loob, nabanggit pa ni Matet sa isang interview na hindi na niya muling kakausapin pa ang ina. Subalit sa pagpasok ng taong 2023 ay nagkaayos na rin sila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel