Jessy Mendiola, binahagi ang nakaaliw na reaksiyon ni Vilma Santos nang unang makita ang apo

Jessy Mendiola, binahagi ang nakaaliw na reaksiyon ni Vilma Santos nang unang makita ang apo

- Binahagi ni Jessy Mendiola ang video tungkol sa panganganak niya kay Isabella Rose Tawile Manzano

- Bahagi ng naturang video ang pagdalaw ni Vilma Santos para makita ang kanyang kauna-unahang apo

- Makikita sa video na hindi maitago ng Star for All Seasons ang kanyang kasiyahan na masilayan ang apo

- Pinagpaalam niya sa mag-asawa kung pwede niya makarga ang apo at agad namang pumayag sila Jessy at Luis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Jessy Mendiola ang video na kuha noong pinanganak niya si Isabella Rose Tawile Manzano na tinatawag nilang si Baby Peanut. Bahagi ng naturang video ang pagdalaw ni Vilma Santos para makita ang kanyang kauna-unahang apo.

Jessy Mendiola, binahagi ang nakaaliw na reaksiyon ni Vilma Santos nang unang makita ang apo
Jessy Mendiola, binahagi ang nakaaliw na reaksiyon ni Vilma Santos nang unang makita ang apo (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Hindi nito maitago ang saya nang masilayan ang apo. Ayon pa kay Luis, nanggigigil ang kanyang mommy habang tinitingnan si Peanut na karga ni Jessy. Pinagpaalam niya sa mag-asawa kung pwede niya makarga ang apo at agad namang pumayag sila Jessy at Luis.

Read also

Lian Paz, naiyak sa napanood na music video tungkol sa pagiging single parent

Ingat na ingat ito habang pinagmamasdan ang apo. Marami naman sa mga netizens ang naaliw sa reaksiyon ni Vilma:

Simply beautiful! Congratulations, Luis and Jessy! PEANUT is such a wonderful blessing from the Lord! Got teary-eyed watching Momsie Vi so excited and nervous to see and carry her 1st apo!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Yung gigil at excitement ni ms.Vilma grabeee
The lola's emotions and excitement is beyond measurable. Isabella is an indeed bundle of joy to the family! Congratulations

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut. Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Read also

Kiray Celis, nakatanggap ng singsing mula sa kanyang boyfriend

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel