Robin Padilla, responsableng ama na dapat umanong tularan ayon kay Cristy Fermin

Robin Padilla, responsableng ama na dapat umanong tularan ayon kay Cristy Fermin

- Todo puri ni Cristy Fermin si Robin Padilla sa pagiging isa umanong responsableng ama nito

- Tulad na lamang kamakailan na naglaan umano ito ng oras na makasama ang panganay niyang anak na si Camille

- Nararapat lamang daw umano ng tularan ng ibang mga ama si Robin na nahihiwalay na sa mga anak ani Cristy

- Pinuri rin ni Cristy si Mariel sa ipinakikita nitong pagmamahal at pag-unawa sa iba pang mga anak ni Robin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hinangaan umano nina Romel Chika, Wendell Alvarez at Robin Padilla ang pagiging isa umanong responsableng ama ni Robin Padilla.

Robin Padilla, responsableng ama na dapat umanong hangaan ayon kay Cristy Fermin
Robin Padilla kasama ang kanyang pamilya (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa paglalaan niya ng oras sa panganay niyang anak na si Camille na nakasama ng pamilya niya nang magtungo sila ng Japan kamakailan.

"Si Robin Padilla po, lahat ng kanyang mga anak ay kanyang iniintindi. Talagang inaasikaso niya. Napakaresponsable pong tatay ni Robin Padilla," bungad ni Cristy.

Read also

Jessy Mendiola, binahagi ang nakakaaliw na reaksiyon ni Vilma Santos nang unang makita ang apo

"Isipin mo, kailan lang nagkita sila ni Camille ang panganay niyang anak sa kalahatan na 'yan. Yung anak nila ni Lea Orosa," paglalahad ni Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ilang mga social media post ni Robin at maging ng misis nitong si Mariel makikitang naka-bonding ng kanilang mga anak si Camille.

Tulad ng mga komento ng netizens, tularan daw sana ang pagiging isang ama ni Robin na naglalaan ng oras sa mga anak at may maayos na relasyon sa mga ito.

"At sana, ang sabi ng ating mga netizens, tularan siya ng maraming mga artistang nahihiwalay na may anak na at kinakalimutan na lamang basta ang mga suling nila."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa bagong episode ng Showbiz Now Na!:

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Read also

Kris Aquino, ipatitingin na rin sa doktor sina Josh at Bimby ani Cristy Fermin

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Sa pinakahuling episode ng Showbiz Now Na! naibahagi ni Cristy na nagkaayos na umano ang mag-inang sina Nora Aunor at Matet De Leon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel