RR Enriquez, makulit na hinamon ng paseksihan si Ivana Alawi; "Gigil na gigil talaga ako kay Ivana!"

RR Enriquez, makulit na hinamon ng paseksihan si Ivana Alawi; "Gigil na gigil talaga ako kay Ivana!"

- Makulit na hinamon ni RR Enriquez si Ivana Alawi ng paseksihan

- Aniya gigil na gigil talaga siya kay Ivana na napakaganda at napakaseksi at binisto rin niya na crush ito ng boyfriend na si Jayjay Helterbrand

- Isa raw umanong karangalan na masabihang mas maganda at mas seksi kay Ivana

- Kaya naman inimbitahan niya si Ivana sa tila isang collab kung saan wala raw silang ibang gagawin kundi ang magpaseksihan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Makulit na hinamon ni RR Enriquez si Ivana Alawi ng paseksihan matapos na makatanggap ni RR ng komento mula sa isang netizen.

RR Enriquez, makulit na hinamon ng paseksihan si Ivana Alawi; "Gigil na gigil talaga ako kay Ivana!"
RR Enriquez (RR Enriquez Sawsawera Queen YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na ito umano ay sa larawan ni RR noong ika-39 birthday niya kung saan pinuri siya ng netizen na tila mas seksi pa siya umano kay Ivana.

Isang karangalan daw umano ay RR na maihambing pa kay Ivana gayung alam niya na ito'y mas bata sa kanya.

Read also

RR, sang-ayon kay Sen. Robin; "Ako lang to ha, medyo napepekean din ako sa kanila

"At the age of 39, lumalaban pa rin ako kay Ivana. Isang malaking karangalan sa akin yun na masabihan ng mas maganda at mas seksi ka kay Ivana 'di ba?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaya naman pabiro rin niyang sinabi na gigil na gigil umano siya kay Ivana crush na boyfriend niya na si Jayjay Helterbrand.

"Alam niyo, gigil na gigil talaga ako diyan kay Ivana. Dahil ang seksi-seksi ang ganda-ganda. Cute-cute na bata. Hindi lang 'yun, crush din siya ni Jayjay. Kaya happy ako na may nagsasabi na mas seksi ako kay Ivana," pabirong nasabi ni RR.

"Crush na crush ka ni Jayjay. Natatandaan ko meron kaming vlog, ang topic si Ivana. Jojowain o totropahin. Sabi ni Jayjay, "jojowain. Naseseksihan daw siya sa'yo. Ako naman yung confidence level ko non bumaba. Charot!" dagdag pa niya.

Read also

RR sa naging isyu ni Robi Domingo; "He handled it in a classy way"

Dahil dito, inimbitahan niya si Ivana na sila ay magsama para magpaseksihan at magkaalaman kung sino ang may asim pa raw sa kanilang dalawa.

"Kaya kung nanonood ka man Miss Ivan Alawi, Alam mo, gusto kitang hamunin. Magpaseksihan tayong dalawa. Tingnan lang natin kung sino ang may asim pa sa ating dalawa. Ang 39 o ang 23? Charot!"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR mula mismo sa kanyang YouTube channel na RR Enriquez Sawsawera Queen:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz. Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Si RR ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas saABS-CBN kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang mga negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel