RR, sang-ayon kay Sen. Robin; "Ako lang to ha, medyo napepekean din ako sa kanila"

RR, sang-ayon kay Sen. Robin; "Ako lang to ha, medyo napepekean din ako sa kanila"

- Sinang-ayunan umano ni RR Enriquez si Senator Robin Padilla sa komento nito tungkol sa mga South Korean actors.

- Ito ay kaugnay sa naging mungkahi kamakailan ni Sen. Jinggoy Estrada na pag-ban sa mga Koreanovela sa bansa

- Ani RR, mas maipagmamalaki pa rin naman talaga natin ang mga Filipino actors na nananatiling totoo at hindi retokado umano

- Nilarawan niyang fake ang mga Korean actors dahil sa mga umano'y pinaayos na nito sa kanilang mga mukha

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sumang-ayon si RR Enriquez sa naging komento ni Senator Robin Padilla tungkol sa mga aktor sa bansa kumpara sa South Korean actors na tila mas kinakikiligan na ngayon ng mga Pinay.

RR, sang-ayon kay Sen. Robin; "Maipagmamalaki ko pa naman ang mga Filipino actors natin"
RR Enriquez (RR Enriquez Sawsawera Queen)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay kasunod ng kontrobersyal na mungkahi Sen. Jinggoy Estrada na ipagbawal 'di umano ang mga Koreanovela sa bansa. Ito ay dahil tila mas tinatangkilik na ng mga Pinoy ang mga Koreanovela kaysa sa sarili nating mga pelikula.

Read also

Cristy Fermin sa mga nagtatanong kung nasaan na nga ba si AJ Raval; "Ay walang nakakaalam"

Ayon kay Senator Robin, totoo silang mga Filipino actors at hindi umano retokado gaya ng mga South Korean actors.

Agree naman dito si RR at sinabing ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya masyadong nanonood ng mga Koreanovela.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Alam niyo I really like Mr. Robin Padilla kasi I can see myself to him dahil medyo brutally honest din siya. Somehow, nagsasabi rin naman siya ng totoo that's why I don't really watch Koreanovelas anymore," aniya.

"Ako lang to ha, medyo napepekean din ako sa kanila. Tama naman si Mr. Robin Padilla. Every time I see them, parang ang fake. Fake yung ilong, fake yung mata, fake yung lips so hindi na talaga siya natural for me," dagdag pa niya.

Ito raw ang dahilan ni RR kung bakit mas ipinagmamalaki pa rin niya ang mga Filipino actors. Gayunpaman, hindi naman daw nararapat umano na husgahan ang mga nagpaparetoke na mga artista gayung karamihan din sa mga ito ay mahuhusay umarte.

Read also

RR Enriquez kay Manay Lolit; "Parang 'di ako naaawa... Nagpapa-victim effect"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR mula sa kanyang YouTube channel na RR Enriquez Sawsawera Queen:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz. Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Si RR ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas saABS-CBN kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang mga negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel