Cristy Fermin sa mga nagtatanong kung nasaan na nga ba si AJ Raval; "Ay walang nakakaalam"

Cristy Fermin sa mga nagtatanong kung nasaan na nga ba si AJ Raval; "Ay walang nakakaalam"

- Isa sa mga napag-usapan sa bagong episode ng Showbiz Now Na! ay si AJ Raval na hindi masyadong napagkikita kamakailan

- Minsan na itong nabalitang nagdadalang-tao subalit agad niya itong itinanggi sa pagpapakita ng kanyang 'maliit na tiyan'

- Subalit tila nabuhay umanoa ng isyung ito dahil sa ilang buwan nang pananahimik ng aktres

- Pagbibiro nina Cristy at mga kasama nito sa SNN, maaring si Aljur Abrenica ang nakakaalam kung nasaan si AJ Raval

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila hindi napagkikita ngayon sa social media ang aktres na si AJ Raval. Isa ito sa mga tinalakay nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ngayong Oktubre 31.

Cristy Fermin sa mga nagtatanong kung nasaan na nga ba si AJ Raval; "Ay walang nakakaalam"
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tila kapansin-pansin umano ang pananahimik ni AJ sa social media taliwas sa dati niyang ginagawa.

Read also

Cristy sa mga nagsasabing 'pambansang paawa' si Andrew Schimmer; "Nakakalungkot"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kung wala man siyang post sa Instagram, makikita naman daw ito madalas sa TikTok kaya naman marami na raw umano ang naghahanap kung nasaan na nga ba si AJ.

Maging sa presscon umano ng sarili niyang pelikula, missing in action umano si AJ.

Dahil dito, tila nabuhay ang kontrobersiyang makailang beses nang naipukol sa aktres na nagdadalang-tao umano ito.

"'Yung pananahimik kasi, may kwento 'yan e. Katulad 'nung bakit nawawala siya sa sirkulasyon samantalang dati, TikTok siya ng TikTok. Labas nang labas ng kanyang mga pictures 'di ba sa IG niya. At ipinakikita niya at ipinagmamalaki niya 'ito ba ang pregnant,' ito ba ang preggy? Bakit ngayon nagtatanong ang marami bakit wala siya," ani Cristy.

Doon na nila napag-usapan ang umano'y kadalasang nangyayari sa mga babae na itinatago ang pagbubuntis.

Read also

MG, gustong paalisin si Paye Galang: "Patalsikin si Paye sa Toro fam house"

Binigay nilang halimbawa si Zeinab Harake na minsang naikwento ang umano'y pakikisama ni Baby Bia sa sinapupunan niya noong hindi pa niya ito inilalantad sa publiko.

"Si Zeinab Harake, meron din siyang kwento. Noong nagdadalang-tao siya parang nakikisama yung anak niya. Kapag may pictorial siya, kapag may event siya, parang nagtatago sa ilalim. Pero 'pag dating niya sa bahay, lumalaki bigla 'yung tiyan niya."

Gayunpaman, hindi raw sinasabi nina Cristy na maaring nagdadalang-tao nga si AJ. Nagbiro pa silang maaring si Aljur Abrenica umano ang nakakaalam kung nasaan nga ba ang aktres.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Read also

Madam Inutz, aminadong nasaktan sa nasabi umano ni Zeinab sa kanya

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel