Cristy Fermin, nais na makapanayam si Mommy Mary Ann ni Bea Alonzo; "nanay sa kapwa nanay"

Cristy Fermin, nais na makapanayam si Mommy Mary Ann ni Bea Alonzo; "nanay sa kapwa nanay"

- Nais umanong makapanayam ni Cristy Fermin ang ina ni Bea Alonzo na si Mary Ann

- Aniya, gusto niyang malaman ang saloobin nito sa mga ipinupukol sa kanyang anak kamakailan

- Lalo na at sa panahong kinakaharap ito ni Bea, mayroong dinaramdam ang kanyang ina

- Matatandaang nanatiling tahimik si Bea sa kabila ng halos araw-araw na patutsada sa kanya umano ni Lolit Solis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Cristy Fermin sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! na nais niyang makapanayam ang ina ni Bea Alonzo na si Mommy Mary Ann.

Cristy Fermin, nais na makapanayam si Mommy Mary Ann ni Bea Alonzo; "nanay sa kapwa nanay"
Si Mommy Mary Ann at si Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na nais umano ni Cristy na makausap si Mommy Mary Ann ng 'ina sa ina' upang maunawaan niya ang ilang mga bagay tungkol kay Bea.

"Malayo po sa hinagap ko na makapanayam si Bea Alonzo. Ang gusto kong ma-interview ang kanyang nanay,"

Read also

Julius Babao, binahagi ang mensahe sa kanya ni Andrew Schimmer

"Gusto kong makipag-usap ako sa kapwa ina para malaman ko ang kanyang saloobin para matanong ko siya kung ano ang nararamdaman niya kapag merong kumakanti at nananakit sa kanyang anak,"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Gusto kong marinig ang saloobin ng isang nanay na sasabihin sa kapwa nanay. Para magkaintindihan kami. Maunawaan lang natin ang isang tao kapag pareho tayong nakasakay sa bangka na kanyang sinasakyan," ani Cristy.

Aniya, sa kasagsagan pa ng umano'y kinakaharap na pambabatikos kay Bea ay panahon din na may dinaramdam si Mommy Mary Ann.

Matatandaang nanatiling tikom ang bibig ni Bea sa halos araw-araw na patutsada sa kanya ni Lolit Solis. Hiniling pa niya ang paggaling nito nang malamang mayroon itong karamdaman.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy kasama sina Morly Alinio at Romel Chika sa Showbiz Now Na!:

Read also

Landmark employee na nag-viral sa akusasyong pagnanakaw, dumulog na sa RTIA

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Matatandaang minsan nang pinuri ni Cristy si Bea sa paghawak nito ng kanyang pera at mga ari-arian. Gayundin sa naging reaksyon nito nang matanong siya ng press kung ano ang kanyang reaksyon sa mga komentong naibabato sa kanya ni Lolit Solis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel