Cristy Fermin kay Bea Alonzo; "Magandang ehemplo ng mga kapwa niya artista"

Cristy Fermin kay Bea Alonzo; "Magandang ehemplo ng mga kapwa niya artista"

- Patuloy ang papuri nina Crity Fermin ng Showbiz Now Na! sa aktres na si Bea Alonzo

- Ito ay kaugnay sa umano'y patuloy na pananahimik ng aktres sa mga ipinupukol na isyu sa kanya

- Nang minsan pa raw na matanong ng press ang reaksyon ni Bea sa umano'y patutsada sa kanya ni Lolit Solis, hiling pa ng aktres ang paggaling nito

- Sa ngayon, nakalipad na rin umano ang pamilya ni Bea patungong Spain kung saan nakabili si Bea ng maituturing nilang tahanan doon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Walang humpay umano ang papuri nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika ng Showbiz Now Na! kay Bea Alonzo.

Cristy Fermin kay Bea Alonzo; "Magandang ehemplo ng mga kapwa niya artista"
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay may kaugnayan sa pananahimik lamang ni Bea sa mga isyu na pilit na ipinupukol sa kanya.

Read also

Zeinab Harake, tinawagan at kinausap ang mga taong nadawit sa video ni Wilbert Tolentino

"Hanggang ngayon po, hindi kami napapahinga sa pagpuri kay Bea Alonzo," bungad ni Cristy sa pagtatalakay nila tungkol kay Bea.

"Pupwede nating sabihin na isa siyang magandang ehemplo ng mga kapwa niya artista at mga kabataan," ang paglalarawan sa kanya ni Cristy dahil hindi na nito nagawang pumatol pa sa mga ibinabato sa kanyang hindi kagandahang mga salita.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon pa kina Cristy, malaking bagay na masaya ang buhay pag-ibig ni Bea na tila naisasantabi ang mga negatibong pahayag ukol sa kanya.

"Alam mo, andami talagang nananalo sa pananahimik," dagdag pa ni Cristy.

Sa ngayon, nasa Madrid, Spain na ang pamilya ni Bea. Ayon kay Cristy, may mga kamag-anak sina Bea roon kaya naman doon pinili ng aktres na bumili ng maituturing nilang isa pang tahanan.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

Read also

Andrew Schimmer, masayang makita ang misis na gising at nagre-response sa kanya

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Matatandaang minsan nang pinuri ni Cristy si Bea sa paghawak nito ng kanyang pera at mga ari-arian. Gayundin sa naging reaksyon nito nang matanong siya ng press kung ano ang kanyang reaksyon sa mga komentong naibabato sa kanya ni Lolit Solis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel