Cristy, todo puri si Bea: "Nakikita natin gaano kagaling at kasinop sa paghawak ng pera"

Cristy, todo puri si Bea: "Nakikita natin gaano kagaling at kasinop sa paghawak ng pera"

- Napuri ni Cristy Fermin si Bea Alonzo pagdating sa mga paghawak nito ng kinikitang salapi

- Aniya, mahusay at masinop ito pagdating sa pangangalaga ng kanyang pera na napupunta sa kanyang mga ari-arian

- Kamakailan, naibahagi ng aktres ang pamimili niya ng mga gamit sa kanyang tahanan sa Spain

- Isa lamang umano ito sa mga produkto ng kasipagan ni Bea na ngayo'y abala ng teleseryeng ipinalalabas sa GMA ang Start Up Ph

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Todo puri sina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa aktres na si Bea Alonzo.

Cristy,todo puri si Bea: "Nakikita natin, gaano kagaling at kasinop sa paghawak ng pera"
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa kanilang mga napag-usapan sa pinakabagong episode ng kanyang YouTube Channel noong Oktubre 15.

Ani Cristy, ngayon umano nakikita kung gaano kasinop sa pera ni Bea na natutupad na ang dati lamang nilang pinapangarap ng kanyang pamilya.

Read also

Zeinab Harake, naglabas ng sama ng loob sa mga taong trumaidor sa kanya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Lahat ng meron siya ngayon, pinaghirapan niya, pinagpaguran niya, pinangarap niya hanggang sa mapasakamay na niya," ani Cristy sa umano'y kasipagan ni Bea na nagbunga ng maganda ang pagsusumikap.

Naikwento rin ni Cristy ang tungkol sa tirahang nabili ni Bea sa Spain kung saan unti-unti na rin niyang binibilhan ng mga kagamitan.

Ilan pa raw sa mga kababayan nating Pinoy sa Spain ay nag-aabang noon na dumungaw si Bea at mabati manlang ito.

Maging ang malaking farm ni Bea ay nabanggit din nina Cristy na nakamamangha umano ang tanim sa ekata-ektaryang lupain nito.

Labis na kahanga-hanga na 'di ito tulad ng ibang mga artista na dahil alam na may inaasahang kita, ganoon na lamang ang pagiging bulagsak sa pananalapi.

Narito ang kabuuan kanilang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Read also

KMJS, isiniwalat ang pagtulong ni Luis Manzano; "Maraming salamat Luis"

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa loob lamang ng ilang buawan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel