Cristy Fermin, ipinagtanggol si Sharon Cuneta sa mga bashers nito; "Pinaghirapan niya 'yun"

Cristy Fermin, ipinagtanggol si Sharon Cuneta sa mga bashers nito; "Pinaghirapan niya 'yun"

- Dinipensahan ni Cristy Fermin si Sharon Cuneta na kamakaila'y pinag-usapan ang pagsa-shopping nito sa isa sa mamahaling brand sa buong mundo

- May ilan, kabilang na ang isang pari ang nagsabing hindi na dapat pang ipakita ni Sharon ang pamimili niya ng mga mamahaling gamit

- Isa umanong dahilan ay dahil marami pa sa Pilipino ang patuloy na naghihikahos dagdag pa ang pasakit ng pandemya

- Gayunpaman, sinabi ni Cristy na pinaghirapan umano ng Megastar ang anumang ipinambili niya sa mga mamahaling gamit na kanyang mga naipamili

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dumipensa si Cristy Fermin sa mga umano'y naging basher ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.

Cristy Fermin, ipinagtanggol si Sharon Cuneta sa mga bashers nito; "Pinaghirapan niya 'yun"
Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay may kaugnayan sa vlog kamakailan ng Megastar kung saan naibahagi niya ang kanyang pagsa-shopping sana sa Hermes ngunit siya'y hindi pionapasok.

Read also

Regine Velasquez, inalmahan ang mga taong gustong masira ang relasyon nila ng asawa

Ito naman ang naging daan para siya ay mahusgahan ng ilang netizens maging ng isa umanong pari na nagsabing hindi dapat na ibahagi pa ang marangyang buhay ngayon sa social media lalo na at marami pa rin umano ang hikahos ngayon dahil sa pandemya.

Ayon naman kay Cristy, pinaghirapan ni Sharon Cuneta ang anumang naipakikita niyang pamumuhay ngayon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nilarawan niya ito bilang isang mayaman na pinaghirapan pa rin ang kanyang pangalan ngayon gamit ang talento at galing nito.

"Para po sa akin, hindi po dapat 'yun pansinin sa negatibong paraan. Dapat nga, hindi naman sa ikatutuwa natin dahil sabi niyo nga ay pagyayabang 'yun. Ngunit ito ang isang tao na kahit anak mayaman, gumawa ng sarili niyang pera sa talento na ibinigay ng Diyos sa kanya."

"Si Sharon, ibahin natin. Nagpakahirap, nagpupuyat, nagpapagod, hanggang sa maipon na niya ang anumang mayroon siya ngayon," ayon pa kay Cristy.

Read also

Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae

Narito ang kabuuan ng pahayag nina Cristy, Morly Alinio at Romel Chika mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Matatandaang kamakailan, naging maugong ang showbiz balitang hiwalay na rin umano sina Markus Parterson at Janella Salvador na ngayo'y co-parents nalang sa kanilang anak na si Baby Jude. Gayunpaman, wala pa umanong diretsahang kumpirmasyon sa magkabilang panig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel