Regine Velasquez, inalmahan ang mga taong gustong masira ang relasyon nila ng asawa

Regine Velasquez, inalmahan ang mga taong gustong masira ang relasyon nila ng asawa

- Naglabas ng saloobin si Regine Velasquez tungkol sa mga taong nagpapanggap na nagmamalasakit umano sa kanya

- Gayunpaman, ang mga taong ito umano ay nagnanais na masira ang pagsasama nila ng asawa niyang si Ogie Alcasid

- Wala itong binanggit na pangalan ngunit aniya ay napapagod na siya sa mga ganitong uri ng tao

- Pinayuhan naman siya ng kanyang mga tagahanga at followers na huwag na lang pansinin ang mga naiinggit sa pagmamahalan nila ni Ogie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Regine Velasquez ang mga taong aniya ay nagpapanggap na nagmamalasakit sa kanya ngunit patuloy na naghahangad na maghiwalay sila ng mister niyang si Ogie Alcasid.

Regine Velasquez, inalmahan ang mga taong gustong masira ang relasyon nila ng asawa
Regine Velasquez, inalmahan ang mga taong gustong masira ang relasyon nila ng asawa (@ogiealcasid)
Source: Instagram

Walang binanggit na pangalan si Regine ngunit aniya ay hindi niya na maintindihan ang mga taong ito at iba-block na lamang umano niya ang mga ito.

Read also

Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae

By the way nakakapagud na yung mga taong nag papangap na “we care about her” and yet continues to wish my relationship with MY HUSBAND to fail I don’t understand anymore. Well I guess block kiti block na lang ako. Hay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinayuhan naman siya ng kanyang mga tagahanga at followers na huwag na lang pansinin ang mga naiinggit sa pagmamahalan nila ni Ogie.

Matatandaang nauna nang pinabulaanan ng mag-asawa ang haka-hakang naghiwalay na sila.

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Kamakailan, kinaaliwan din ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Read also

Andrea Brillantes, mayabang ang first impression kay Ricci Rivero

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Arel Rivera. Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-asawa noong mga panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel