Andrea Brillantes, mayabang ang first impression kay Ricci Rivero

Andrea Brillantes, mayabang ang first impression kay Ricci Rivero

- Ayon kay Andrea Brillantes, hindi niya naisip noon na magiging boyfriend niya si Ricci Rivero

- Sa katunayan, sa isang vlog niya ay sinabi niyang totropahin niya lang si Ricci at hindi jojowain

- Mayabang at suplado umano ang first impression ni Andrea kay Ricci matapos nilang magkita sa isang bar sa BGC para mag-party

- Kinalaunan ay napag-usapan na lang umano nila na parehas nilang gusto ang isa't-isa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Andrea Brillantes na nayabangan siya kay Ricci Rivero nung unang pagkakataon silang nagkita. Sa pinakabagong vlog ni Andrea ay nakasama niya ang boyfriend at sinagot nila ang ilang katanungan ng netizens.

Andrea Brillantes, mayabang ang first impression kay Ricci Rivero
Andrea Brillantes, mayabang ang first impression kay Ricci Rivero (@blythe)
Source: Instagram

Bukod sa pagiging mayabang, suplado din umano ang kanyang impression kay Ricci matapos umano siya nitong daanan lang gayong pinansin naman daw nito ang ilang mga kasamahan at kaibigan niya.

Read also

Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae

Ayon pa kay Andrea, hindi niya naisip noon na magiging boyfriend niya si Ricci. Sa katunayan, sa isang vlog niya ay sinabi niyang totropahin niya lang si Ricci at hindi jojowain.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel