Zeinab Harake, naglabas ng sama ng loob sa mga taong trumaidor sa kanya

Zeinab Harake, naglabas ng sama ng loob sa mga taong trumaidor sa kanya

- Naglabas ng sama ng loob si Zeinab Harake sa isang post niya sa kanyang Facebook page

- Kaugnay ito sa mga taong aniya ay pinakitunguhan niya nang maayos ngunit iba pala ang ginagawa kapag nakatalikod siya

- Wala naman siyang pangalang binanggit kung sino ang mga taong kanyang tinutukoy sa naturang post

- Gayunpaman, marami ang nakapansin na may mga taong nakakasama niya dati sa kanyang mga vlog na hindi na masyadong nakakasama ni Zienab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Malalim ang hugot ni Zeinab Harake sa kanyang post kaugnay sa aniya'y mga taong pinakitunguhan niya ng maayos. Hindi man direktang pinangalanan, inilabas ni Zeinab ang kanyang sama ng loob sa mga taong ito.

Zeinab Harake, naglabas ng sama ng loob sa mga taong trumaidor sa kanya
Zeinab Harake, naglabas ng sama ng loob sa mga taong trumaidor sa kanya (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nabanggit niya na sinamantala ang kabaitan niya, niloko at pinaikot. Hindi umano lahat ng nakakasama sa oras na masaya ay tama ang naging pakitungo sa kanya.

Read also

Ogie Diaz, tinatanaw na utang na loob na naging manager ni Liza Soberano

Kaya gumising kayo. Di nyo kailangan ng mga taong uubusin lang ang lakas nyo. Mas piliin nyo yung mga taong kahit nasa boring at hardest part na ng buhay natin eh anjan padin sa tabi natin kahit walang kapalit. Kasi sila yung habang buhay mananatili sa tabi mo kahit talikuran kapa ng mundo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel