Andrew Schimmer, masayang makita ang misis na gising at nagre-response sa kanya

Andrew Schimmer, masayang makita ang misis na gising at nagre-response sa kanya

- Masayang ipinakita ni Andrew Schimmer ang lagay ng kanyang misis nang sumailalim ito sa dialysis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Naka-video call niya ito at nakita niyang gising at rumeresponde habang ito'y kanyang kinakausap

- Labis ang pasasalamat ni Andrew sa mga doctor at nurse na patuloy na nag-aalaga sa kanyang asawa

- Aniya, unti-unti na itong nalalayo sa kritikal na kondisyon at patuloy na nagpapalakas sa ospital

Makalipas ang ilang araw mula nang maibalik sa osapital ang misis ni Andrew Schimmer na si Jho Rovero, nagbigay ng update ang aktor.

Andrew Schimmer, masayang makita ang misis na gising at nagre-response sa kanya
Andrew Schimmer at ang kanyang pamilya (The Schimmers)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nalaman ng KAMI na nito lamang Oktubre 21, sumailalim sa one-time dialysis si Jho dahil sa umano'y pagtaas ng potassium level nito.

Read also

Misis ni Andrew Schimmer, sumailalim sa one-time dialysis; "Giginhawa raw yung pakiramdam niya"

Si Andrew na pansalamantalang umuwi ay naka-video call pa rin sa misis para makita ang mga kaganapan sa ospital.

Kinakausap pa rin niya ito at may pagkakataong nagising si Jho na tila rumeresponde sa pagkausap sa kanya ng mister.

"Nakakatuwa gising siya ngayon... Kita niyo sumasagot siya. Sumasagot talaga sa akin 'yan pag kinakausap ko 'yan. Kahit minsan antok na antok yan, nagreresponse sa kin yan," ayon pa kay Andrew.

Matatandaang noong Oktubre 17 nang muling ibalik sa ospital si Jho matapos ang ilang araw nito sa kanilang tahanan. Nilagnat ito at nagsusuka kaya naman minabuti na nina Andrew na ibalik ito sa pagamutan. Doon nila nakumpirma ang pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Samantala, narito ang kabuuan ng update ni Andrew na mula sa YouTube channel nilang 'The Schimmers.'

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa. Ilan sa kanyang mga naging proyekto ay ang "Babangon Ako't Dudurugin Kita", "Gagamboy" at "Resiklo".

Read also

Andrew Schimmer sa lagay ng kanyang misis; "Everything is going smoothly"

Sa Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview ni Ogie kay Andrew Schimmer. Pumalo ito ng nasa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Dahil sa marami ang nakapanood ng interview ni Ogie Diaz kay Andrew, dumagsa ang mga nais pang tumulong sa pamilya ng aktor lalong-lalo na para sa gamutan ni Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel