Julius Babao, binahagi ang mensahe sa kanya ni Andrew Schimmer

Julius Babao, binahagi ang mensahe sa kanya ni Andrew Schimmer

- Binahagi ni Julius Babao ang naging mensahe sa kanya ni Andrew Schimmer kaugnay sa kalagayan ng kanyang misis na si Jorhomy sa ospital

- Sa kanyang mensahe ay sinabi ni Andrew na buong-buo ang kanyang paniniwalang makakayanan ng kanyang misis ang kinakaharap nitong laban para mabuhay

- Aniya, hindi siya aalis sa tabi ng asawa hanggang mapagtagumpayan nilang muli ang pagsubok sa kanila

- Naibahagi niyang nasa comatose state uli ang asawa niya dahil sa pamamaga at pagdurugo sa kanyang utak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong video ni Julius Babao ay binahagi niya ang naging mensahe ni Andrew Schimmer kaugnay sa kalagayan ng kanyang misis na si Jorhomy. Kasalukuyan pa rin umano itong nasa comatose state.

Julius Babao, binahagi ang mensahe sa kanya ni Andrew Schimmer
Julius Babao, binahagi ang mensahe sa kanya ni Andrew Schimmer (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Sa kanyang mensahe ay naibahagi niyang buo pa rin ang paniniwala niyang kakayanin ng asawa niyang malampasan ang kinakaharap nitong pagsubok dahil kinaya niya rin umano ito noong una.

Read also

Pretty Trizsa, emosyonal nang balikan ang lugar kung saan siya nanatili bilang homeless

Aniya, hindi siya aalis sa tabi ng asawa hanggang mapagtagumpayan nilang muli ang pagsubok sa kanila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Binahagi din niya ang nakakaantig na video kung saan makikita ang bunsong anak niya kasama ang mommy nito. Base sa binahagi niyang video ay makikita ang reaksiyon ng misis niyang si Jorhomy sa pagyakap ng anak nila. Tila gusto din nito na yakapin ang bunsong anak ngunit hindi pa rin ito tuluyang nakakagalaw ng normal kaya ang ulo lamang niya ang nilapit niya sa anak. Ani Andrew, ito umano ang unang pagkakataon na ganoon ang naging reaksiyon ng kanyang misis mula nang maospital ito noong nakaraang taon.

Samantala, sa isang video ay hindi napigilang maiyak ni Andrew sa mensahe ng kanyang dalawang anak na sina Andrea at Sandro Schimmer. Ito ay nang mag-guest siya sa programang "Moments" sa Net 25 na kung saan si Gladys Reyes ang host. Ayon sa mga anak niya, sana ay magpahinga din si Andrew at alagaan nito ang sarili niya para maalagaan niya ang kanilang mommy. Alam umano nila na kung makakapagsalita ang mommy nila ay gusto din nitong magpahinga din ang ama nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel