Pretty Trizsa, emosyonal nang balikan ang lugar kung saan siya nanatili bilang homeless

Pretty Trizsa, emosyonal nang balikan ang lugar kung saan siya nanatili bilang homeless

- Naging emosyonal si Pretty Trizsa nang balikan niya ang buhay sa kalsada

- Matatandaang minsan nang naikwento ni Pretty Trizsa sa Ogie Diaz Inspires channel ang sinapit ng kanyang buhay nang malulong sa droga

- Ngayon, masaya ang kanyang mga nakasama at nakilala sa lansangan na makitang nakakabangon na muli siya sa buhay

- Si Pretty Trizsa ay isang komedyante na minsan nang nanamlay ang career dahil sa bisyo na ipinagbabawal na gamot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang naiyak si Pretty Trizsa nang balikan niya ang mga lugar kung saan siya naglagi bilang homeless.

Pretty Trizsa, emosyonal nang balikan ang lugar kung saan siya nanatili bilang homeless
Pretty Trizsa
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na sinamahan siya ng kaibigan at naging katrabaho na si Tita Jegs upang kumustahin ang mga taong tumulong at nagmalasakit sa kanya sa panahong nawalan siya ng tirahan.

Ipinakita niya ang lugar kung saan siya natutulog na pawang sa gilid ng isang bangko.

Read also

DonEkla, kinaaliwan sa pagpapatawa kasama sina MC at Lassy

Naroong magkaroon siya ng bahay-bahayan sa kalsada gayung nawalan siya ng tahanan na masisilungan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinakilala rin niya ang may-ari at mga nagtatrabaho sa parlor na siyang pumapayag na makiligo siya at minsa'y nakakamerienda na rin.

Gayundin ang pamilyang may negosyo na halos kupkupin na noon si Trizsa at talaga namang tuwang-tuwa nang makitang nakakabangon at hiling nila na tuloy-tuloy na ang pag-usbong muli ng career ni Trizsa.

Si Pretty Trizsa o Ronaldo Celso sa totoong buhay ay isang komedyante sa bansa. Minsan siyang nakilala bilang isa sa mga impersonator ni Mariel Rodriguez kaya tinagurian siyang 'clone' nito.

Matatandaang dahil sa panayam ni Ogie Diaz kay Prett Trizsa, tila nabigyan ito ng pagkakataong makabalik sa entertainmnet industry. Ito ay sa tulong umano ni Tita Jegs na siyang nagsabi kay Ogie na kumustahin si Trizsa. Kapansin-pansin din ang maayos niyang pangangatawan taliwas sa nag-viral niyang video kung saan nakunan siyang namamalimos.

Read also

Julius Babao, binahagi ang mensahe sa kanya ni Andrew Schimmer

Doon naikwento niya ang kabutihang ginawa sa kanya ng dating katrabaho na si Ethel Booba.

Hindi umano ito nagdalawang-isip na tulungan si Trizsa sa panahong kailangang-kailangan talaga nito ang suporta. Ipinamili siya nito ng mga gamit at pinakain.

Labis itong tumatak kay Trizsa dahil karamihan sa mga nakasama umano niya noon sa trabaho ay nagagawa siyang tanggihan o pagsabihan habang si Ethel ang talagang nagmagandang loob umano sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel