Ogie Diaz, natuwa nang malamang maraming gustong tumulong kay Pretty Trizsa

Ogie Diaz, natuwa nang malamang maraming gustong tumulong kay Pretty Trizsa

- Matapos na mapanood sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel ang kwento ni Pretty Trizsa, marami nang gustong tumulong sa dating komedyante

- Marami umano ang nagpabatid na nais nilang magpaabot ng tulong upang tuloy-tuloy na lalo ang pagbabago ni Trizsa na misnan nang nalulong sa bisyo

- Inamin niya ang mga pagkakamali at naging pagsubok sa buhay sa panayam sa kanya ni Ogie

- Sa ngayon, nabigyan ng pagkakataon si Trizsa na magbalik sa pagbibigay saya sa tao sa pagiging isang stand-up comedian

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang ikinuwento ni Ogie Diaz na marami ang gustong tumulong sa komedyanteng si Pretty Trizsa.

Ogie Diaz, natuwa nang malamang maraming gustong tumulong kay Pretty Trizsa
Pretty Trizsa (Ogie Diaz Inspires YouTube channel)
Source: UGC

Ito ay matapos na mapanood ang dating komedyante sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel kung saan matapang niyang inamin ang kanyang mga pagkukulang at pagkakamali.

"Nakakaloka Loi ah. Andami talagang gustong tumulong at napa-wow sila at napaiyak sila sa kwento ni Pretty Trizsa, ang nagbabalik na stand-up comedian, na sana'y mabigyan ng second chance sa tulong natin" ani Ogie.

Read also

Alden Richards, naikukumpara umano ng publiko kay Piolo Pascual ayon sa SNN

Matapang kasing inilahad ni Trizsa ang kanyang pinagdaanan buhat nang tuluyang maapektuhan ng droga maging ang kanyang trabaho.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito ang dahilan kung bakit, nawalan siya ng tirahan gayung wala na rin kasi siyang pambayad dito.

Naging palaboy si Trizsa na binibigyan din umano ng leksyon ng kanyang mga kapatid na kalaunan ay tumulong din sa kanya sa pagpapa-rehab.

Binalikan din niya ang pagkakataong nag-lockdown ang karamihan ng lugar dala ng pandemya subalit siya, bilang walang tirahan ay nanatili sa kalsada.

Naroong namalimos siya at nakaisip pa rin na magpatawa kahit nasa kalye para lamang mayroon siyang pambili ng makakain.

Hindi naman niya malilimutan ang minsan siyang pagdudahan ng mga dati niyang kasama sa comedy bar na baka umano siya'y magnakaw. Aminadong sumama ang loob niya dahil dito.

"Tinatago nila 'yung bag nila... 'Yung tingin nila sa akin dahil nanghihingi ako dahil adik ako. Hindi lahat ng adik magnanakaw. Ang sakit," emosyonal na pahayag ni Trizsa.

Read also

Pretty Trizsa, isiniwalat ang kabutihan ng puso ni Ethel Booba; "Hindi niya ako tinaboy"

Sa ngayon, matapos na malagak sa rehabilitation center, excited si Trizsa na magbalik sa pagpapatawa sa publiko sa ikalawang pagkakataong ibinigay sa kanya.

Si Pretty Trizsa o Ronaldo Celso sa totoong buhay ay isang komedyante sa bansa. Minsan siyang nakilala bilang isa sa mga impersonator ni Mariel Rodriguez kaya tinagurian siyang 'clone' nito.

Samantala, marami na ring mga kilalang personalidad ang nagbigay inspirasyon sa publiko nang makapanayam sila ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.

Isa sa mga naging panauhin niya kamakailan ay si Andrew Schimmer kung saan nito nailahad ang nangyari sa kanyang misis na si Jho Rovero. Dahil sa interview na ito ni Ogie kay Andrew, dumagsa ang tulong sa pamilya Schimmer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel