Alden Richards, naikukumpara umano ng publiko kay Piolo Pascual ayon sa SNN

Alden Richards, naikukumpara umano ng publiko kay Piolo Pascual ayon sa SNN

- Malaki raw ang pagkakatulad ng itinatakbo ng career at ng kani-kanilang personal na buhay sina Alden Richards at Piolo Pascual

- Isa sa mga napapansin ng kanilang tagasubaybay at tila parehong walang oras umano sa love life ang dalawang kilalang aktor

- Pagdating sa mga negosyo at itinatakbo ng kanilang showbiz career, hindi nalalayo ang dalawa

- Ayon naman kay Cristy Fermin, pasasaan ba at darating din ang panahon na mabibigyang oras naman ng dalawa ang kanilang buhay pag-ibig

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ng Showbiz Now Na! ang mga nasasabi ng netizens na malaki umano ang pagkakatulad nina Alden Richards at Piolo Pascual.

Alden Richards, naikukumpara umano ng publiko kay Piolo Pascual ayon sa SNN
Alden Richards (@aldenrichards02)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nagagawa umanong maipagkumpara ang dalawa lalo na pagdating sa kani-kanilang love life.

"Ang karaniwang sinasabi ng mga kababayan natin, tatandang binata raw itong dalawang ito," ayon pa kay Cristy Fermin.

Read also

Carla, binawalan na pag-usapan si Tom sa isang product launch ayon sa SNN

Napag-usapan nila nina Romel Chika at Morly Alinio ang umano'y pagkakatulad ng dalawa na pareho matagumpay sa showbiz career at maging sa kani-kanilang mga negosyo sa labas ng showbiz.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ngunit sa kabila ng tagumpay sa kanilang career, tila nakakalimutan ng mga ito ang kanilang buhay pag-ibig.

Lalo na umano kay Alden na hanggang ngayo'y wala pang nali-link na sinomang makapagpapatibok ng kanyang puso.

Gayundin naman si Piolo Pascual kung saan sa kanyang edad, inaasahan ng marami na magkakaroon na ito ng sarili niyang pamilya.

"Pinaaalalahanan lang naman natin na baka sa sobra niyong pagtatrabaho at pagbibigay panahon sa inyong negosyo, nakaklimutan niyo na kayo ay kailangang maging maligaya at magkaroon ng pamilya," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Read also

Komedyanteng si Pretty Trizsa, aminadong nalulong sa bisyo at naging homeless

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! (SNN)

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 279,000 subscribers.

Sa naturang episode ng SNN, naiabahgi rin nila ang buhay na ngayon ni Carla Abellana na balik-sigla muli lalo na at nawiwili ito sa paggawa ng sabon at kandila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel