Carla, binawalan na pag-usapan si Tom sa isang product launch ayon sa SNN

Carla, binawalan na pag-usapan si Tom sa isang product launch ayon sa SNN

- Binawalan umani si Carla Abellana na pag-usapan pa ang dating mister na si Tom Rodriguez

- Sa isinagawang product launch ng iniendorso niyang produkto, nabanggit din ni Carla na handa na niyang harapin ang itinatakbo ng kanyang buhay

- Nawiwili rin umano ito sa paggawa ng mga sabon at maging kandila na nagsisilbing libangan niya

- Kapansin-pansin din umano ang mga positibong post ni Carla at hindi na muli ito nagbahagi ng mga cryptic post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binawalan ang aktres na si Carla Abellana na pag-usapan ang dating asawang si Tom Rodriguez sa product launch ng kanyang bagong ini-endorso.

Carla Abellana
Carala Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Naiabahagi ito nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa pinakabagong episode nila ng Showbiz Now Na ngayong Oktubre 19.

Ayon pa kay Morly, iginagalang na lamang daw ni Carla ang kani-kanilang mga buhay.

Read also

Alex Gonzaga, nanganganib umano sa mga endorsements ani Cristy Fermin

"Pero sabi nitong si Carla ay handa na siyang harapin ang kasalukuyang takbo ng buhay niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nalaman ng KAMI na tila nakaka-move on na ang kapuso aktres na hindi na rin nagbabahagi ng mga cryptic post.

Ayon pa kay Cristy, unang nagbigay pahayag si Tom tungkol sa kanila ni Carla nang makumusta ito ni Ogie Diaz.

Kahanga-hanga rin umano ang nasabi nito sarili muna niya ang kanyang papatawarin bago pa ang ibang tao.

Dahil dito, tila pareho nang nagpapahinga ang dalawa sa mga issue at unti-unti na rin silang nakababangon mula sa pagsubok ng kanilang relasyon.

Narito ang kabuuan ng kanilang naging talakayan sa Showbiz Now Na!:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jorhomy sa ika-40 days nito

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel