Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jorhomy sa ika-40 days nito

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jorhomy sa ika-40 days nito

- Dinalaw nina Andrew Schimmer ang puntod ng kanyang namayapang partner na si Jorhomy Rovero

- Ito ay dahil sa 40 days na ang nakalipas mula nang pumanaw ito noong Disyembre 20

- Kasama ang kanyang mga anak at ilan pang malalapit sa puso ni Jorhomy, sila'y nagpamisa at nagdasal sa puntod nito

- Sa kanyang caption, nabanggit ni Andrew na miss na niya ang dating partner at tila hindi pa rin makapaniwala na wala na ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kasama ang mga anak at ilan pang malalapit sa puso ng kanyang namayapang partner, binisita nina Andrew Schimmer ang puntod ni Jorhomy Rovero.

Andrew Schimmer at pamilya (The Schimmers)
Andrew Schimmer at pamilya (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ika-40 days na nito mula nang mamayapa noong Disyembre 20 sa St. Luke's Hospital.

Sa maiksing video na ibinahagi ni Andrew, makikitang nagpadasal sila sa puntod ni Jorhomy at nakapagpamisa na rin sila para rito.

Read also

Tindero ng ice candy na may British accent, hinangaan ng marami

"40 days in Heaven… ang bilis ng araw parang kailan lang kasama ka pa namin.. we miss you so much"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Suot ang t-shirt na may larawan ni Jorhomy, kitang-kita rin ang katatagan ng kanilang pamilya sa kabila ng pighating dulot ng pagkawala ng ilaw ng kanilang tahanan.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Ilan minuto bago kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng misis noong Disyembre 20, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Read also

Anak ng OFW na tumanggi sa $100, proud sa ina; "That's our Nanay!"

Marami ang natuwa sa post na ito sa pag-aakalang ikinasal na ang dalawa.

Sinasabing balak na umanong pakasalan ni Andrew si Jho anumang oras subalit hindi na niya ito naisakatuparan pa.

Nito lamang Bagong Taon, naglabas din ng saloobin si Andrew gayung ito ang unang araw ng Bagong Taon na hindi na niya kasama si Jho. Inalala niya ang madalas nilang gawing mag-asawa tuwing matatapos umano ang Media Noche. Masakit umano ito para kay Andrew lalo na at hindi na niya magagawa ito sa pagkawala ng misis na siyang lagi niyang nakakausap at laging nakikinig sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel