Andrew Schimmer, emosyonal sa huling Christmas picture na kasama ang namayapang fiancée

Andrew Schimmer, emosyonal sa huling Christmas picture na kasama ang namayapang fiancée

- Emosyonal na ibinahagi ni Andrew Schimmer ang pinakahuling Christmas photo na buo pa umano ang kanyang pamilya

- Kuha ito sa burol ng kanyang fiancée na si Jorhomy "Jho' Rovero na namayapa na noong Disyembre 20

- Agad na napansin ng mga netizens ang mga mata ni Andrew na halata umano ang labis na kalungkutan

- Matatandaang minsan nang nasabi ni Andrew ang katagang 'I hate Christmas' na dala umano ng sobrang hinagpis sa pagpanaw ni Jho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal na ibinahagi ni Andrew Schimmer ang huling Christmas photo na kumpleto pa umano silang pamilya.

Andrew Schimmer
Andrew Schimmer kasama ang kanyang pamilya (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kuha ito sa burol ng kanyang namayapang fiancée na si Jorhomy 'Jho' Rovero.

Sa kanyang Facebook post, kasama niya ang dalawang mga anak na nagpakuha ng larawan sa harap ng labi ni Jho.

Read also

Cristy nilinaw ang naibalitang show ni Jake Zyrus sa USA: "Dalawa lang po ang nagbayad"

"Last Christmas with Mommy," na may kasaman broken heart emoji ang caption ng naturang post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad ding napansin ng netizens ang mga mata ni Andrew na puno umano ng kalungkutan. Kaya naman ipinadama nila sa kanilang komento ang suporta at pakikidalamhati sa pamilya Schimmer sa pinagdaraanan ng mga ito lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

"Halatang lagi siyang umiiyak... Napamahal sa amin ang pamilya mo Andrew. Patuloy ka naming ipagdarasal"
"Hanga ako sa tatag ng mga anak mo lalo na ng iyong bunso. Mahigpit na yakap para pamilya mo Andrew"
"Naiyak ako nang makita ko ang picture na ito. Naisip ko ang sinubaybayan kong pinagdaanan nila sa loob ng isang taon"
"Hugs for your fam Andrew. Lalo na sa mga kids mo na matatag tulad mo. Sa kabila ng mga nakakalungkot na nangyari, nakakabilib pa rin talaga ang pamilya mo"

Read also

Angel Locsin, binahagi ang tunay na diwa ng Pasko para sa kanya

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Ilan minuto bago nga kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ng misis, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Samantala, isinapubliko na ni Josephine Penaranda ang tungkol sa libing ng anak niyang si Jorhomy 'Jho' Rovero, ang partner ni Andrew Schimmer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel