Detalye ng burol ni Jho Rovero, ibinahagi ng kanyang ina

Detalye ng burol ni Jho Rovero, ibinahagi ng kanyang ina

- Ibinahagi ni Josephine Dela Rosa Penaranda ang detalye ng burol ng anak na si Jorhomy Rovero angfiancée ni Andrew Schimmer

- Nito lamang Disyembre 20, emosyonal na ibinalita ni Andrew Schimmer ang pagpanaw ni Jho na inabutan niyang nire-revive na

- Ito rin umano ang kaarawan ng bunsong anak nina Andrew at Jho na hindi na inabot pang buhay ang ina

- Matatandaang mahigit isang taon ding nakipaglaban sa kanyang karamdaman si Jho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kasalukuyan nang nakaburol ang mga labi ni Jorhomy Rovero ang fiancée ni Andrew Schimmer sa Bulacan.

Detalye ng burol ni Jho Rovero, ibinahagi ng kanyang ina
Photo: Jorhomy Rovero (Orevor Ymohroj)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang kanyang inang si Josephine Dela Rosa Penaranda ang nagbahagi ng detalye ng burol nito para umano sa mga taong nais na masilayan sa huling pagkakataon ang kanyang anak.

"For Those Who Want To View the wake of My Daughter... Details Below Are Posted," ani Josephine sa kanyang post.

Read also

Bunsong anak ni Andrew Schimmer, nag-birthday sa burol ng kanyang Mommy Jho

Disyembre 20 nang kumpirmahin ni Andrew Schimmer ang pagpanaw ng kanyang fiancée sa ospital.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kwento ni Andrew, nasa taping siya ng Family Feud ng GMA nang makatanggap ng tawag mula sa mga doktor ni Jho.

Dali-dali siyang nagtungo sa ospital at naabutan pa umano niya itong nire-revive.

Ang nakadagdag pa umano lalo sa kanilang kalungkutan ay ang kaarawan ng bunso nilang anak sa araw naman ng pagpanaw ng ina nito.

Hindi na rin inabot umano ng bunso nilang anak na buhay ang kanyang ina.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na gumawa ng ingay sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia.

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Read also

Martyr o Murderer teaser, ibinahagi na ng Vincentiments

Ilan minuto bago nga kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ng misis, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Samantala, isang buwan lamang halos ang nakalilipas nang ialay naman ni Andrew kay Jho ang natanggap niyang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia-Pacific Luminare Award na ginanap noong Nobyembre 23 sa Okada, Manila. Dumiretso talaga siya sa ospital upang ihandog ito kay Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel