Martyr o Murderer teaser, ibinahagi na ng Vincentiments

Martyr o Murderer teaser, ibinahagi na ng Vincentiments

- Inilabas na ang movie trailer ng kontrobersyal na pelikulang 'Martyr o Murderer'

- Ang naturang pelikula ay sa direksyon ni Darryl Yap, na siyang direktor din ng 'Maid in Malacañang'

- Sinasabing ito ang ang comeback movie ni dating Manila Mayor Isko Moreno na gumaganap bilang si Senator Ninoy Aquino

- Matatandaang minsan nang nagbabala 'di umano si Cristy Fermin kay Kris Aquino patungkol sa post nito na may iba raw motibo patungkol sa ginagawang pelikula ni Darryl Yap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inilabas na ang isa sa mga aabangang pelikula ngayong paparating na 2023, ang 'Martyr o Murderer.' (MoM)

Martyr o murderer teaser, ibinahagi na ng Vincentiments
Cesar Montano at Isko Moreno (VinCentiments)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa Facebook page ng Vincentiments ibinahagi ang teaser kung saan makikita ang mga kilalang artista tulad nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Christine Reyes, Jerome Ponce at Ella Cruz.

Read also

Sylvia Sanchez, todo puri si Zanjoe ngunit ayaw pa umanong mag-asawa si Ria

Sinasabing ito rin umano ang comeback ni dating Manila Mayor Isko Moreno na gaganap bilang Senator Ninoy Aquino.

Ang naturang pelikula ay sa direksyon ni Darryl Yap na siyang nasa likod din ng kontrobersyal na pelikulang 'Maid in Malacañang' na ipinalabas ngayong 2022.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inaasahang pag-uusapan din umano ang MoM dahil sa mga pasabog umano nito tulad ng 'Maid in Malacañang'.

Samantala, maaalalang minsan nang nagpaalala si Cristy Fermin kay Kris Aquino patungkol kay Darryl Yap.

Ito ay dahil sa post umano ni Kris sa kanyang Instagram sa kaarawan ng kanyang namayapang ama. Ani Cristy, wala umanong masama na alalahanin ang kaarawan ng namayapa subalit tila may iba pa raw kasing motibo si Kris sa kanyang naging post.

"Okay lang naman nating alalahanin ang mahal sa buhay na namayapa na pagdatin ng kanilang kaarawan. Pero ang hindi po nagustuhan ng mga kababayan natin, lalo na ng kanyang mga bashers yung itinuloy po niya may segue po 'yun tungkol sa parang pagkontra sa pelikulang ginagawa ni Direk Daryl Yap ang Matryr or murderer," ani Cristy sa isa sa mga episode niya ng Showbiz Now Na!

Read also

Detalye ng burol ni Jho Rovero, ibinahagi ng kanyang ina

Samantala, narito ang kabuuan ng teaser ng Martyr o Murderer:

Si Darryl Yap ay isa sa mga kilalang bagong direktor sa Pilipinas. Naging kontrobersyal siya dahil sa kanyang VinCentiments series at short films na may kakaibang atake sa pagtalakay sa iba't ibang isyu sa ating bansa.

Isa na rito ang 'Len-Len series' na pinagbidahan ni Senator Imee Marcos at ng komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel