Cristy, nagbabala umano kay Kris Aquino ukol sa pelikula ni Darryl Yap; "Papatulan ka niya"

Cristy, nagbabala umano kay Kris Aquino ukol sa pelikula ni Darryl Yap; "Papatulan ka niya"

- Tila nagbigay babala si Cristy Fermin kay Kris Aquino kaugnay sa naging pahayag nito sa kanyang IG post

- Hindi man daw ito diretsang nasabi, subalit tila patungkol di umano ito sa ginagawang pelikula ni Darryl Yap na Martyr or murderer

- Ang naturang pelikula ay tungkol 'di umano kay Ninoy Aquino kung saan si dating Mayor Isko Moreno ang napiling gumanap

- Ayon kay Cristy, tila kinokondisyon na ni Kris ang publiko na hindi kailanman mababago pa ang nangyari sa nakaraan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay komento si Cristy Fermin tungkol sa inilabas na 'pagbati' ni Kris Aquino sa namayapa niyang ama na si dating Senator Ninoy Aquino.

Kris Aquino
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa naturang post, tila may segue umano si Kris patungkol sa bagong proyekto ng direktor na si Darryl Yap, ang 'Martyr or Murderer.'

Read also

Cristy Fermin sa lagay ni Vhong Navarro: "Binabahaginan ka namin ng aming panalangin"

Ani Cristy, wala umanong masama na alalahanin ang kaarawan ng namayapa subalit tila may iba pa raw kasing motibo si Kris sa kanyang naging post.

"Ok lang naman po yun e, wala namang masama. Okay lang naman nating alalahanin ang mahal sa buhay na namayapa na pagdatin ng kanilang kaarawan. Pero ang hindi po nagustuhan ng mga kababayan natin, lalo na ng kanyang mga bashers yung itinuloy po niya may segue po 'yun tungkol sa parang pagkontra sa pelikulang ginagawa ni Direk Daryl Yap ang Matryr or murderer," bungad ni Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kaya ito pong IG post niya bilang pagbati sa kanyang ama, hindi po 'yun yung sinasabi ng ating mga kababayan na totoong dahilan bakit niya binati ang kanyang tatay kundi para pasinungalingan agad-agad yung sa Pebrero pa lang ipalalabas na pelikulang Martyr o murderer," dagdag pa niya.

Read also

Cristy Fermin sa buradong post ni Sarah G: "Sobrang awang-awa na si Matteo kay Sarah"

Dahil dito, tila nagbigay babala si Cristy kay Kris na hindi ito uurungan ng direktor ng nasabing pelikula.

"Siyempre, si Direk Daryl Yap pa ba ang hinamon ni Kris. Aba'y kung hindi ka nakahanap ng katapat sa mga nakaraang panahon, palagay ko ikaw ang umimbento ng katapat mo ngayon kay Direk Daryl Yap...Papatulan ka niya," ani Cristy.

"Ngayon pa lang, aware na kasi siya na yun ang tatakbuhin nitong pelikulang ito e na baka mamaya, mabago. Baka nga naman malagay sa alanganin ang kanyang ama. Kaya ngayon pa lang, pinoprograma na niya ang isip ng mga kababayan natin na hindi pwedeng palitan ang nakaraan"

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez na Showbiz Now Na!

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Read also

Zeinab Harake sa bonding nila ni Xian Gaza; "Pinatunayan ko lang ang sinasabi ni Donna"

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 289,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel