Cristy Fermin sa lagay ni Vhong Navarro: "Binabahaginan ka namin ng aming panalangin"

Cristy Fermin sa lagay ni Vhong Navarro: "Binabahaginan ka namin ng aming panalangin"

- Muling napag-usapan sa Showbiz Now Na! ang lagay na ngayon ni Vhong Navarro sa Taguig City jail

- Nilarawan ni Cristy na wala na raw itong mailuha sa kanyang sitwasyon buhat nang ito ay ma-detain noong Setyembre

- Ang mahirap umano sa lagay ni Vhong ay ang pagkakataong wala na itong ibang kasama sa kabila ng maayos na trato sa kanya sa Taguig City jail

- Tulad ng hiling ng marami, dalangin nina Cristy na maging maayos ang takbo ng kaso ni Vhong

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! muling napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang lagay ni Vhong Navarro sa Taguig City Jail.

Cristy Fermin sa lagay ni Vhong Navarro: "Binabahaginan ka namin ng aming panalangin"
Vhong Navarro (@vhongx44)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nilarawan ni Cristy na halos wala na umanong mailuha si Vhong sa kanyang kalagayan ngayon.

Read also

Cristy sa palagiang pagbisita ni VG Mark kay Kris: "Meron silang ternong singsing e"

"Kung nauubos daw ang luha, wala nang maiiiyak pa so Vhong Navarro ngayon"

"Ang sabi ng kanyang mga abogado, napaka-positive daw ni vhong Navarro na kaya natin ito pero kabaliktaran ito ng mga nakakusap ko," dagdag pa ni Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang mahirap umano sa kalagayan ni Vhong, ay sa tuwing wala na siyang kasama o nakakausap sa kanyang pag-iisa sa piitan.

"Isipin mo kung ikaw si Vhong Navarro, nag-iisa ka sa iyong cell, sabihin na natin na oo maganda ang trato sa kanya sa piitian, oo may mga dumadalaw sa kanya, maraming hindi nakalilimot. Paano kapag nag-iisa ka nalang?"

Tulad ng marami, hiling din nina Cristy ang maayos na takbo ng kaso ni Vhong.

"Basta bigyan nalang natin ng pag-asa si Vhong Navarro kahit hindi natin siya nakikita ng personal, kapit lang. 'Wag kang bibitiw. Kapit lang talaga dahil nandiyan ang pag-asa, kailangan lang nating hanapin."

Read also

Cristy, may payo kay Priscilla Meirelles: "Ikaw naman ang tunay na asawa... Tama na"

"Binabahaginan ka namin ng aming panalangin na sana, maging maayos ang takbo ng kasong ito na kinapapalooban mo," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Vhong Navarro ay isang dancer, komedyante at TV host sa Pilipinas. Una siyang nakilala bilang isa sa mahuhusay na miyembro ng Streetboys bago siya naging isang komedyante. Ngayon, isa si vhong sa host ng noontime show na It's Showtime.

Samantala, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel