Cristy, may payo kay Priscilla Meirelles: "Ikaw naman ang tunay na asawa... Tama na"

Cristy, may payo kay Priscilla Meirelles: "Ikaw naman ang tunay na asawa... Tama na"

- Tila pinayuhan na ni Cristy Fermin ang misis ni John Estrada na si Priscilla Meirelles

- Hanggang ngayon, marami pa rin umano ang pumupuna sa kanya sa kabila ng paghupa ng isyu ng umano'y babaeng naka-chat ni John

- Ani Cristy, mainam na tumigil na si Priscilla sa pag-post ng tila may kaugnayan pa rin sa isyu

- Mapapansing wala na rin naman umanong post o anumang pasaring ang babaeng naiuugnay sa mister ni Priscilla

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay umano ng payo si Cristy Fermin sa kontrobersyal na dating beauty queen at misis ni John Estrada na si Priscilla Meirelles.

Cristy, may payo kay Priscilla Merilles: "Ikaw naman ang tunay na asawa... Tama na"
Priscilla Meirelles at John Estrada (@primeirelles)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay kaugnay umano sa pasabog nito kamakailan na nagsimula sa isang cryptic post.

Kalaunan, inilabas din ni Priscilla ang naging convo nila ng 'di umano'y babaeng naiuugnay kay John na si Chiyo dela Vega.

Read also

Cristy sa palagiang pagbisita ni VG Mark kay Kris: "Meron silang ternong singsing e"

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin tinatantanan ng bashers si Priscilla dahil na rin umano sa patuloy na pag-post nito na sinasabing may kaugnayan pa rin sa isyu.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Paanong hindi magagalit sa kanya, lumalabas yung hindi nakitang ugali na meron pala siya na ganon pala siyang tao. Na sa kabila ng kanyang kagandahan, malakas ang kanyang insekuridad," ani Romel Chika sa talakayan nila nina Cristy at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na!

Ayon naman kay Cristy, tila bumawi na si John kay Priscilla sa pamamagitan ng isang sweet post kasama si Priscilla.

"Alam mo, pag mahal mo ang isang tao at nagpapakita na ng aktwasyon na ikaw lang ang nag-iisang babae sa kanyanga buhay na ikaw lang ang tunay na reyna ng kanyang kinabukasan, dapat naniniwala na siya sa ganon kasi bumabawi nga e."

Read also

Marco Sison sa pagpanaw ng apo na sana'y GMA artist na: "hanggang dun lang"

Kaya naman para kay Cristy, panahon na rin umano para tumahan na si Priscilla sa pag-post niya ukol sa nasabing isyu.

"Nakaganti ka na e, nasa'yo na ang korona e, ikaw naman ang inuuwian dahil ikaw naman ang tunay na asawa, legal wife ka talaga, tama na. Patahimikin mo na rin si Chiyo na wala nang bumabalik na salita sa'yo," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Brazilian model, host, actress, environmentalist at beauty queen. Siya ang kinoronahang Miss Earth 2004 na ginanap sa Pilipinas. Taong 2011, ikinasal siya sa aktor na si John Estrada at nabiyayaan sila ng isang anak.

Samantala, maging si Ogie Diaz ay nagbigay pahayag patungkol sa isyu na ito nina Priscilla at John. Bilang kakilala mismo at kumpare ra niya si John, nailarawan niya itong lapitin ng mga babae noon pa man. Aniya, malampasan sana ng dalawa ang pagsubok na ito sa kanilang relasyon. Tila natupad naman ito at kamakailan lang ay may larawan silang mag-asawa na si John mismo ang nag-post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel