Marco Sison sa pagpanaw ng apo na sana'y GMA artist na: "hanggang dun lang"

Marco Sison sa pagpanaw ng apo na sana'y GMA artist na: "hanggang dun lang"

- Bukod sa pagdadalamhati, labis umanong nanghihinayang ang veteran singer na si Marco Sison sa maagang pagpanaw ng apo

- Aniya, minsan na itong naaksidente kung saan nahulog ito sa ikatlong palapag ng tinutuluyang condo noong bata pa

- Paliwanag pa ni Marco, may seatbelt, airbag at iba pang maaring proteksyon ang sasakyan sa pasahero nang maganap ang aksidenteng ikinasawi ng apo

- Kasama sana si Andrei sa mga inilunsad na bagong mga artista ng GMA Sparkle

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis umanong nanghihinayang ang beteranong singer ng bansa na si Marco Sison sa sinapit ng 16-anyos na apong si Andrei Sison matapos nitong masawi sa aksidenteng sinapit noong Marso 24.

Marco Sison sa pagpanaw ng apo na sana'y GMA artist na: "hanggang dun lang"
Andrei Sison (@sison_andreiii)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naibahagi ni Marco ang tungkol sa unang aksidenteng sinapit ni Andrei noong ito'y mas bata pa.

Read also

Gladys Reyes, hanga kay Barbie Forteza: "Talagang sinasaktan ko siya, totoong sampal"

"Nahulog 'yan sa 3rd floor ng condo na tinutuluyan nila. And then ito na 'yung nakasakay ka ng kotse naka-seatbelt ka. Lahat ng protkesyon, airbag everything," ani Marco.

"So full of life, so promising so talented, and then wala lang, hanggang dun lang. Hindi manlang niya naranasan ang sarap ng buhay ng isang tao.," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaya naman kahit nagdadalamhati, nagawa pa rin nitong ibahagi ang masasayang alaala ni Andrei na madalas din umano niyang kabiruan.

"Lagi niyang sinasabi na mas pogi raw siya sa'kin. Sabi ko wala kang karapatan na magsalita ng ganyan kasi ako ang original. Lahat kayo, nanggaling sa'kin"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa GMA Integrated News YouTube channel:

Si Marco Sison ay isa sa mga kilalang singer, actor at politician sa Pilipinas. Nagulat ang marami nang kumpirmahin nitong apo nga niya ang nasawi sa isang car accident noong Marso 24.

Read also

Gladys Reyes, nag-concert sa kanyang birthday party: "'Yung mga bisita ko walang umalis"

Isa si Andrei Sison sa sana'y nailunsad na bilang bagong mukha ng GMA Sparkle. Sinasabing tulad ng kanyang lolo, kinakitaan ito ng potensyal sa pagkanta at pag-aartista.

Samantala sa naturang interview rin ay nabanggit 'di umano ni Marco ang tungkol sa kanyang anak at ama naman ni Andrei na si Alain. Nag-aalala umano siya sa kanyang anak gayung hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay lalong-lalo na ang sariling anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel