Ogie D sa umano'y isyu ng mag-asawang Priscilla at John: "Ano kasi si John e, lapitin!"

Ogie D sa umano'y isyu ng mag-asawang Priscilla at John: "Ano kasi si John e, lapitin!"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz ukol sa umano'y isyu ng mag-asawang sina Priscilla Meirelles at John Estrada

- Ito ay matapos na magbahagi ng mga umano'y cryptic post ni Priscilla at kalauna'y ipinakita na ang convo sa sinasabing naka-chat ng kanyang mister

- Kilala raw umano ni Ogie Diaz si John Estrada at hiling niyang malampasan ng mag-asawa ang pagsubok umanong ito

- Samantala, hanggang sa puntong isinusulat ang artikulong ito, nanatili namang tahimik si John sa naturang isyu

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi, Tita Jegs at Ate Mrena sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ay ang tungkol sa mga cryptic post ni Priscilla Meirelles tungkol.

Ogie D sa umano'y isyu ng mag-asawang Priscilla at John: "Ano kasi si John e, lapitin!"
John Estrada and Pricilla Meirelles (@primeirelles)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kaugnay nito ay naibahagi na rin ni Priscilla ang convo nila ng babaeng naka-chat umano ng mister niyang si John Estrada.

Read also

Cristy kay Karla bilang bagong host ng Face to Face: "Konting higpit siguro ng production"

Sa naturang mga screenshots, makikitang tila kinompronta ni Priscilla ang babae na nakilala umano ni John nang magtungo ang cast ng Batang Quiapo sa Cebu.

Pinabulaanan ng babaeng may namamagitan sa kanila ng aktor kaya nakiusap si Priscilla na burahin na umano ang numero ni John at sakaling may gusto itong iparating sa aktor tungkol sa trabaho, sa kanya na lang padaanin.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil dito, nasabi ni Ogie Diaz na kilala umano niya ang pagkatao ni John na nilarawan niyang 'lapitin.'

"Kung kilala ko si John, kilala ko siya. Ano kasi si John e, lapitin yung kumpare ko na 'yan. Irresistable. Per siyempre, hindi naman rason 'yun para yugyugin naitn ang relasyon nila. Pasasaan ba at isa lamang ito sa itinuturing nating pagsubok sa kanilang relasyon lalo na at meron silang anak. Babae pa mandin."

Read also

Cristy, nabanggit ang umano'y pagbibenta ng mga ari-arian ni Willie Revillame

Ayon pa kay Ogie, patatagin pa sana lalo ng mga ganitong klaseng pagsubok ang matagal na ring relasyon nina John at Priscilla.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa naturang epdisode din ng kanyang Showbiz Update channel, nasabi nitong wala pa umanong kumpirmasyon kung totoong buntis nga si Toni Gonzaga. Ito ay matapos ang kabi-kabilang espekulasyon sa pagdadalang-tao nito lalo na at bibihira siya ngayong makita sa mga programa kung saan siya madalas mapanood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel