Cristy kay Karla bilang bagong host ng Face to Face: "Konting higpit siguro ng production"

Cristy kay Karla bilang bagong host ng Face to Face: "Konting higpit siguro ng production"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin kay Karla Estrada bilang bagong host ng "Face to Face"

- Matatandaang si Amy Perez ang dating host ng naturang programa

- Inalala nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez kung paano mag-host noon si Karla sa "Magandang Buhay"

- Ani Cristy, mainam na kausapin nang mabuti si Karla ng production sa kung paano nito dadalhin ang bago niyang programa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Karla Estrada na ang bagong napiling mag-host ng programang Face to Face na muling mapapanood sa Mayo 1.

Cristy kay Karla bilang bagong host ng Face to Face: "Konting higpit siguro ng production"
Karla Estrada (@karlaestrada1121)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nagbigay komento si Cristy Fermin tungkol dito sa isa sa mga bagong episodes niya ng Showbiz Now Na!

"Unang-una, lagi nga po naming naiisip na baka magkaproblema ang Face-to-face kay Carla bilang host. Alam naman po natin yung kanyang ginagawa sa Magandang Buhay na kapagka may pinag-uusapan, kinikopo po niya 'yung oras," ani Cristy.

Read also

TVJ, 'di aalisin sa Eat Bulaga ayon sa source ni Cristy Fermin

Madali umanong maiugnay ni Karla ang sitwasyon ng guest sa sariling karanasan hanggang sa kanya na umano napupunta ang karamihan ng oras ng programa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil dito, pinayuhan ni Cristy ang production ng bagong programa ni Karla na mapapanood sa TV5.

"Konting higpit ng production, makipag-usap sila kay Karla. Maganda rin naman kasi na ang host ay nakaka-relate sa subject. Hindi naman maganda yung walang komunikasyon 'yung host doon sa guest. Dapat meron, nagtutugma sila para may tulay, pero 'wag lang sosobra," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Si Karla Estrada ay isang aktres, singer at TV host sa Pilipinas. Siya ang ina ng aktor na si Daniel Padilla. Isa si Karla sa orihinal na mga host ng programang Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Read also

Ogie D sa umano'y isyu ng mag-asawang Priscilla at John: "Ano kasi si John e, lapitin!"

Samantala, sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! napag-usapan umano ang komento ni Cristy sa pahayag ng ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco.

Sang-ayon umano si Cristy kay Raquel na nag-iisa lamang si Charice Pempengco pagdating sa husay sa pag-awit subalit sana'y ibalik ni Jake Zyrus ang istilo sa pagkanta na mala-Charice Pempengco kung saan aminado ang karamihan na mas hinahangaan umano nila ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel