TVJ, 'di aalisin sa Eat Bulaga ayon sa source ni Cristy Fermin

TVJ, 'di aalisin sa Eat Bulaga ayon sa source ni Cristy Fermin

- Hindi raw umano aalisin sa "Eat Bulaga" ang original host nitong sina Tito, Vic and Joey

- Ayon sa source ni Cristy Fermin, mananatili ang trio na ito na siyang mukha ng "Eat Bulaga" sa halos limang dekada

- Inaasahang makikita ang re-launch ng "Eat Bulaga" sa Abril 17, ngunit isa naman sa pagbabago ay ang pag-alis umano ni Maine Mendoza

- Matatandaang kamakailan ay nakabalik na sa naturang noontime show si Alden Richards

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mananatili sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa Eat Bulaga sa kabila ng naunang napabalitang aalisin na umano ang mga ito sa gagawing re-launch ng programa.

TVJ, 'di aalisin sa Eat Bulaga ayon sa source ni Cristy Fermin
Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa naikwento ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! kung saan isang source ang nagsabing hindi aalisin ang itinuturing na mga haligi ng longest running noontime show sa Pilipinas.

Read also

Tito Sotto, sinabing sumama umano ang loob nina Vic at Joey: "galit na galit"

"Mayroong kwento sa isang kampo na hindi raw po aalis ang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga. Wala raw pong matatanggal sa mga host," ani Cristy.

Gayunpaman, tuloy pa rin daw ang pag-alis ni Maine Mendoza para sa napipinto nitong kasal.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Pero may isa na sinasabing mawawala. Confirmed na raw, si Maine Mendoza. At alam naman natin ang dahilan, noon pa man sinasabi niya na ito ay bilang preparasyon sa kanyang pag-iisang dibdib naman ni Congressman Arjo Atayde"

Katunayan, maging ang sitcom ni Maine kasama si Vic Sotto ay nag-last taping na rin umano.

"Kaya yung mga nagpaparinig diyan na 'Eat Bulagta', matatameme kayo hindi mangyayari yung gusto niyong mga ganap," ayon pa kay Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging mga pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Read also

Tito Sotto at Brightlight Productions ng 'LOL', may maganda umanong usapan

Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas na unang suma-ere noong 1979.

Kabi-kabilang balita ang lumalabas at nagsasabing mawawala na umano ang 'Tito, Vic and Joey' na siyang mga original hosts ng programa 43 taon ang nakalilipas.

Maging si Ogie Diaz ay nagpaliwanag ng kanya umanong nasagap sa mainit na showbiz issue na ito. Bukod sa TVJ, isa rin umano na aalisin sa programa ay si Maine Mendoza na siyang pagbabalik naman 'di umano ni Alden Richards.

Kaya naman sa pagbabalik ni Alden noong Marso 11 sa Eat Bulaga, marami ang nagsasabing maaring ito na ang hudyat ng inaasahang pagbabago.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel