Cristy, nabanggit ang umano'y pagbibenta ng mga ari-arian ni Willie Revillame

Cristy, nabanggit ang umano'y pagbibenta ng mga ari-arian ni Willie Revillame

- Nabanggit ni Cristy Fermin ang umano'y pagbibenta na ni Willie Revillame ng kanyang mga ari-arian

- Ayon umano sa kanyang source, unang binenta ni Willie ang mga paintings na umano'y nabili niya ng milyon-milyon

- Maging ang iba pa raw nitong mga properties ay napagdesisyunan na umano nitong ipagbili

- Sinasabing nais na lamang ng "Wowowin" host ang payak na pamumuhay kasama ang kanyang pamilya lalo na ang mga apo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ay ang pagbibenta umano ni Willie Revillame ng kanyang mga ari-arian.

Cristy, nabanggit ang umano'y pagbibenta ng mga ari-arian ni Willie Revillame
Cristy, nabanggit ang umano'y pagbibenta ng mga ari-arian ni Willie Revillame
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umanong source ni Cristy ang nagsabing unang ibinenta ng Wowowin host ang mga mamahaling paintings nito na nabili niya ng milyon.

Read also

Ogie D sa umano'y isyu ng mag-asawang Priscilla at John: "Ano kasi si John e, lapitin!"

"Ang una po naming natanggap na kwento mga ka-chika, binibenta na raw po ni Willie Revillame 'yung mga paintings na binili niya ng milyones noon tapos 'yung mga properties," pagbabahagi ni Cristy.

Sinasabing wala umanong dahilan si Willie sa pagbibenta kundi ang mabuhay ng payak at simple kasama ang kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Merong isang nagkwento sa akin ang gusto daw ni Willie ay isang simple na lamang na buhay. Dumarating din kasi sa tao ang puntong ganun e. Si Willie dahil nasa kanya na ang lahat-lahat, mga materyal na bagay wala na siyang kakailanganin na napakarami. Hawak na niya lahat 'yan, napagdaanan na niya. At siguro nga gusto na niya ng simpleng buhay kasama ang kanyang mga anak at apo," saad ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Read also

Cristy, ipinagtanggol sina Vice at Ion sa pagbili ng mamahaling aso: "This time, I'm with them"

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa bansa. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Naging matunog ang kanyang pangalan kamakailan dahil sa pagsasara ng ilang programa ng AMBS2 at ALLTV. Inakala kasi ng marami na kasama rin dito ang kanyang programang Wowowin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel