Cristy, ipinagtanggol sina Vice at Ion sa pagbili ng mamahaling aso: "This time, I'm with them"

Cristy, ipinagtanggol sina Vice at Ion sa pagbili ng mamahaling aso: "This time, I'm with them"

- Ipinagtanggol ni Cristy Fermin sina Vice Ganda at Ion Perez sa mga bashers nito tungkol sa pagbili nila ng aso

- Ito ay dahil umano sa presyo ng aso na Php380,000 na tila binatikos ng netizens

- Ayon kay Cristy, kaligayahan naman umano ito ng dalawa lalo na at parang anak na raw ng mga ito ang nabiling aso

- Kamakailan ay naging usap-usapan ang vlog ni Vice Ganda sa pagbili nila ng mamahaling aso

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

To the rescue si Cristy Fermin sa pagtatanggol kina Vice Ganda at Ion Perez sa mga bashing na natatanggap umano ng mga ito.

Cristy, ipinagtanggol sina Vice at Ion sa pagbili ng mamahaling aso: "This time, I'm with them"
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ito ay dahil sa pagbili ng dalawa ng mamahaling aso na nagkakahalaga ng Php380,000.

Nalaman ng KAMI na aminado si Cristy na bagama't madalas siya noong kontra kay Vice Ganda, ngayo'y nagagawa niyang ipagtanggol ito.

Read also

David Licauco sa paghinto niya umano sa basketball: "My best friend died"

"Ako talaga for the first time. Alam mo naman lagi akong kontra kay Vice. Pero this time, I am with them. kasi kaigayahan po nila ito, ibigay po natin ito sa kanila. At ang makakaintindi lang sa kanila ay mga dog lovers. Kapag hindi ka marunong magmahal ng aso, hindi mo sila maiintindihan''

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon pa kay Cristy, mura na raw ang nabiling aso na ito nina Vice at Ion kumpara sa iba pang mga breed nito.

"Kung tutuusin mura na 'yun. Napakarami pong breed ang aso, ang corgy baka maloka ka milyon. American bulldog, English bulldog... kamamahal!"

Dagdag pa ni Cristy, tila parang kapamilya na talagang maituturing ng dalawa ang alagang aso lalo na at hindi maasahang magkaroon ng anak ang dalawa.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na!

Read also

Cristy, hanga sa dami ng natutulungan ni Coco: "Kulang na lang magpatayo ng bahay ampunan"

Si Vice Ganda ay isang TV host at comedian na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.47 million subscribers.

Kamakailan, talagang naging usap-usapan at nagpakilig sa marami ang sweet message ni Ion Perez kay Vice Ganda. Naibahagi ito ni Vice Ganda sa kanyang soc med at napa-sana all na lang ang maraming netizens na masaya para sa nag-iisang Unkabogable Star.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel