Cristy Fermin, sinabing na-chismis umano si Vice Ganda ng sariling kaibigan

Cristy Fermin, sinabing na-chismis umano si Vice Ganda ng sariling kaibigan

- May nasasabi umano ang malalapit na tao kay Vice Ganda tungkol sa hininga nito ayon kay Cristy Fermin

- Pare-pareho umano ang mga komento nito tungkol kay Vice na isiniwalat naman ni Cristy sa Showbiz Now Na!

- Ayon pa umano sa mga ito, malakas umanong mamintas si Vice sa iba gayung may kapintasan din naman daw ito sa kanyang sarili

- Kaya naman payo ni Cristy, bawasan na raw sana ni Vice ang gawaing ito lalo na kung may resibo ang iba na maibabato sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matindi ang naging pahayag ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! tungkol umano sa nag-iisang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Vice Ganda, nilaglag ng malalapit na tao sa kanya ukol sa 'hininga' ayon kay Cristy Fermin
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sinabi ni Cristy na mismong malapit na kaibigan ni Vice ang nagparating nito sa kanya.

Read also

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

"Tutal, tinatawag mo kaming tatlo na mga chismosong chaka 'di ba? Okay, di ka namin papatulan pero may kikwento kami. HIndi mo kami mapipigil. Mga taong malapit sa'yo ang nagsasabi na ang hininga mo raw ay amoy imburnal," ani Cristy.

"Ang sabi niya, ang lakas-lakas ng loob niya na mamintas. Diyok ko! kung alam niyo lang, antindi ng amoy ng hininga niyan. Parang bulok na daga," dagdag pa nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Cristy, tila nadadalas daw kasi ang napapansing ugali ni Vice sa pakikitungo niya sa ibang tao at isa na rito ang umano'y nagawa niyang pagsagot kay Karylle sa It's Showtime.

"Kaya nga, 'wag kang mamimintas ng kapwa mo kung may maibabalik din sa'yo na resibo," ayon pa kay Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Read also

Ogie Diaz, pinasalamatan si Cristy Fermin sa gitna ng umano'y isyu kay Willie Revillame

Si Vice Ganda ay isang TV host at comedian na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.47 million subscribers.

Samantala, nito lamang nagdaang taon, isa ang pelikula ni Vice sa naging official entry ng Metro Manila Film Festival 2022.

Matatandaang na-call out pa umano ng kanyang fans si Ivana Alawi na hindi raw gaanong nakikita na nagpo-promote ng kanilang pelikula. Gayunpaman, isa ang kanilang pelikula sa tumabo sa takilya kasama ng Deleter na pinagbibidahan naman ni Nadine Lustre.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel