Ogie Diaz, pinasalamatan si Cristy Fermin sa gitna ng umano'y isyu kay Willie Revillame

Ogie Diaz, pinasalamatan si Cristy Fermin sa gitna ng umano'y isyu kay Willie Revillame

- Pinasalamatan ni Ogie Diaz si Cristy Fermin sa gitna ng kontrobersiya nila kay Willie Revillame

- Ipinaliwanag din ni Ogie kung gaano kalalim ang samahan nila ni Cristy

- Aminado rin si Ogie na minsan ay nagkakaroon sila ng 'di pagkakaunawaan subalit nangingbabaw pa rin umano ang pagiging nanay nito sa kanya

- Maging sa pera ay hindi siya pinagdamutan nito na sa panahong walang-wala umano si Ogie, ang kanyang nanay Cristy ang umagapay sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakalimutang pasalamatan ni Ogie Diaz ang kanyang Nanay Cristy Fermin sa gitna ng kontrobersiya nila ni Willie Revillame.

Ogie Diaz, pinasalamatan si Cristy Fermin sa gitna ng umano'y isyu kay Willie Revillame
Ogie Diaz at Cristy Fermin (Cristy Ferminute)
Source: Facebook

Matatandaan na nang humingi ng dispensa si Willie kay Cristy, hiling ng Showbiz Now Na! host na sana'y pati sa iba pang nabanggit sa kontrobersyal na pahayag ni Willie ay nag-sorry rin ito. Isa nga raw dito umano ay si Ogie Diaz.

Read also

Ogie Diaz, sinagot ang umano'y nabanggit ni Willie na iniiwan siya ng kanyang talents

Kaugnay nito, naikwento ni Ogie ang lalim ng pinagsamahan nila ni Cristy at kung bakit ganoon na lamang ang pagkalinga nito sa kanya.

"Ako na po ang magkikwento sa inyo, ako po ay galing kay Ate Cristy. Mentor ko at discoverer ko si Ate Cristy. Mula 1986 hanggang ngayon. Kami pa rin. 37 years."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Yes, nagbabanggaan ang opinyon namin. Yes pwedeng kaliwa siya ako kanan. O kanan siya kaliwa ako. Pwedeng magbanggan ang aming paniniwala at prinsipiyo sa buhay. Pero at the end of the day, magnanay kami. 'Di namin kailangang magsumbatan."
"Nung time na ako ay walang-wala, at kailangan ko ng guarantor para makakuha ako ng bahay, si ate Cristy ang nagbigay sa akin ng panimula. 'Yung una kong kotse si Ate Cristy rin ang may bigay nun. hindi niya binigay kundi pay when able. Ganun siya kaluwag sa pera."

Read also

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

"Kaya nung mga time na may tampuhan kami, normal lang 'yun di ba? I always tell this to ate Cristy, anumang sama kong anak at kung anumang sama mong ina magnanay tayo. Kaya thank you so much ate Cristy, at kilala mo naman ako diyos ko!"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa kanyang Showbiz Update YouTube channel:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa painakabagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, naglabas ng saloobin si Ogie tungkol sa mga kontrobersyal na naging pahayag ni Willie Revillame kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel