Ogie Diaz sa naunang vlog ukol kay Willie: "Baka di niya napanood kaya nahusgahan tayo"

Ogie Diaz sa naunang vlog ukol kay Willie: "Baka di niya napanood kaya nahusgahan tayo"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz patungkol sa nauna nilang na-vlog sa umano'y dating video nina Atty. Harry Roque at Willie Revillame

- Makikita roon na tila nakantsawan ng dating presidential spokesperson si Willie tungkol prangkisa ng ABS-CBN

- Nilinaw ni Ogie na nagbabasa lamang sila noon ng mga komento ng netizens tungkol sa kanya

- Ayon pa kay Ogie, kahit pa putol ang video na kanila noong naibahagi, makikita umanong agad na natawa si Willie sa nasabi ni Atty. Harry

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga natalakay ni Ogie Diaz sa Showbiz Update na isina-ere ngayong Pebrero 11 ay ang tungkol sa naibahagi nilang video guesting noon ni Atty. Harry Roque sa 'Wowowin'.

Ogie Diaz sa naunang vlog ukol kay Willie: "Baka di niya napanood kaya nahusgahan tayo"
Ogie Diaz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito umano ay nailabas ng mga netizens matapos ang naging pahayag ni Willie Revillame na isantabi umano ang pulitika sa pagtatapos ng ilang programa ng ALLTV at ang matunog na pansamantalang pagsasara ng AMBS2.

Read also

Ogie Diaz, sinagot ang umano'y nabanggit ni Willie na iniiwan siya ng kanyang talents

Dahil dito, naibahagi ni Ogie ang naturang video kasabay ng pagbabasa nila ng mga komento at tweet ng netizens sa nauna nilang episode ng nasabing YouTube channel.

Subalit, isa ito sa inalmahan ni Willie sa isa sa mga huli niyang natalakay sa kanya namang programa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Itong sa vlog naman natin, kung napanood niya e hindi ko alam kung aaminin ni Willie kung napanood niya o baka hindi rin naman niya napanood kaya nahusgahan din niya tayo. Na kami ay nagbabasa ng mga komento ng mga twitter followers na mga nagtitweet against him," paliwanag ni Ogie.

"Alam ko naman na tumatanaw ng utang na loob si Willie Revillame sa ABS-CBN. Pero ang dinidikusyon kasi doon ay tumawa siya. Parang natuwa siya doon sa komento nito ni Harry Roque. Dun sa sinasabi na ini-splice yan, tumawa pa rin siya bilang reaksyon doon sa parang ikaw ang nagpasara ng ABS-CBN," dagdag pa niya.

Read also

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

Paglilinaw pa ni Ogie, hindi pang-aapi ang ginawa ng netizens kay Willie sa uymano'y mga naging komento nito sa kanila.

"Pangalawa, sinasabi niya na i-set aside ang politics. 'Di mo naman masi-set aside 'yung politics. May politics at may politics pa rin yan Willie."
"Hindi ka inaapi, 'wag kang mag-gaslight. Walang umaapi sa'yo. Sa yaman mong 'yan, sa sobrang blessed mo na yan, hindi ka inaapi. 'Wag mong maramdaman 'yung di naman ginagawa sa'yo."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa kanyan YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa painakabagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, naglabas ng saloobin si Ogie tungkol sa mga kontrobersyal na naging pahayag ni Willie Revillame kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel