Ogie Diaz, idinetalye ang umano'y pagbibigay tulong sa kanya ni Willie Revillame noon

Ogie Diaz, idinetalye ang umano'y pagbibigay tulong sa kanya ni Willie Revillame noon

- Idinetalye ni Ogie Diaz ang tungkol sa tulong naibigay sa kanya noon ni Willie Revillame

- Ito ay kaugnay sa umano'y napatutsadahan ng 'Wowowin' host na kalauna'y pinangalanan at sinasabing isa nga rito si Ogie Diaz

- Nilinaw naman ni Ogie na ang naturang tseke ay hindi para sa kanya kundi para sa sinusuportahang foundation

- Gayunpaman, naglabas din ng saloobin si Ogie ukol sa kontrobersiyang nagaganap sa pagitan nila ni Willie Revillame

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naidetalye ni Ogie Diaz ang tungkol sa tulong na naibigay sa kanya noon ni Willie Revillame.

Ogie Diaz, idinetalye ang umano'y pagbibigay tulong sa kanya ni Willie Revillame noon
Ogie Diaz kasama sina Tita Jegz, Dyosa Pockoh, Ate Mrena at Mama Loi (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI sa salaysay ni Ogie, si Cristy ang naging daan upang mabigyang tulong ni Willie si Ogie para sa foundation na sinusuportahan nito.

"Siyempre dahil na rin yan sa utos ni Ate Cristy na Sige na, ako na ang bahala kay Willie, lapit ka sa kanya. Lumapit po ako kay Willie. In fairness hindi naman ako nahirapan. Kahit andaming tao na nakapaligid, binibigay 'yung cheke. Bilang siguro ebidensya na ako'y binigyan," pahayag ni Ogie.

Read also

Ogie Diaz, sinagot ang umano'y nabanggit ni Willie na iniiwan siya ng kanyang talents

"Pero ganoon pa man, pinagpapasalamat ko 'yun. Sabi nga nila kahit saan ma dalhin yan, the mere fact na tumanggap ka ipagpasalamat mo at dinala ko naman po yan sa Kas*so foundation bilang mas kailangan nila kaysa kailangan ko," paglilinaw pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, isa rin sa mga nabanggit ni Ogie ay ang tulong na naibigay din naman nila bilang showbiz reporter para kay Willie.

"Kaya ako'y nagpapasalamat kay Ate Cristy at binanggit niya ang pangalan ko at hindi naman para syempre sa tindi rin ng pagkainis ni Ate Cristy nasabi rin niya kay Willie ang hindi niya dapat marinig na hindi na dapat kinukwenta pa yung naibigay mo dahil kung kwentahan din lang, e meron din naman tayong naitulong o naibigay. Naipagtanggol din naman natin noong nakaraan na si Willie ay inaapi," aniya.

Read also

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Katunayan, sa isang episode ng kanyang Showbiz Update channel ay binasa nila ang mga tweet ng netizens tungkol sa video ni Willie Revillame at Harry Roque. Bagama't hindi buo ang video kung saan sinasabi umano ng netizens na tila hindi napagtanggol ni Willie ang ABS-CBN, binigyang linaw na ni Ogie na alam niyang tumatanaw umano ng utang na loob ang 'Wowowin' host sa Kapamilya network.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel