Vice Ganda, inaming nagka-girlfriend: "Lalo ko lang na-realize na bakla talaga ako"

Vice Ganda, inaming nagka-girlfriend: "Lalo ko lang na-realize na bakla talaga ako"

- Inamin ni Vice Ganda na nagkaroon umano siya ng girlfriend, hindi lang isa kundi lima

- Nasabi niya ito nang matanong siya ni dating Manila City Mayor Isko Moreno sa kanyang vlog

- Ani Vice, alam niya sa sarili niya na isa umano siyang bakla ngunit sinubukan pa rin niyang magka-nobya

- Subalit dahil dito, mas lalo umano niyang napantunayan na hindi babae ang gusto niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsang inamin ni Vice Ganda na nagkaroon din siya noon ng girlfriend.

Vice Ganda, inaming nagka-girlfriend; "Lalo ko lang na-realize na bakla talaga ako"
Vice Ganda (Iskovery nights)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naikwento ito ni Vice matapos na matanong siya nito ni dating Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang vlog.

"Oo nagka-girlfriend ako. Lima... limang girl friend," pag-amin ni Vice.

Subalit alam umano ni Vice sa kanyang sarili na isa raw siyang bakla ngunit sinubukan niyang magka-nobya sa pag-aakalang maapulahan pa niya ang nararamdaman.

Read also

Asian Best Actress Jodi Sta. Maria, naging litratista sa Taiwan ng mga kapwa turista

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I have always known. I have always felt na bakla ako... Alam ko na pero nilalabanan ko siya. Kasi sabi ko nga dati, mag-gigirlfriend ako. I was trying to cure it. Until I realized, bakit ko kino-cure, e hindi naman ito sakit. Hindi naman siya disability,"

"Mas lalo ko lang na-realize na hindi, bakla talaga ako." ang kanyang nasabi matapos na maikawento ang tungkol sa kanyang naging girlfriend.

Narito ang kabuuahan ng panayam ni dating Mayor Isko kay Vice Ganda mula sa Youtube channel niyang Isko Moreno Domagoso.

Si Vice Ganda ay isang TV host at comedian na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.47 million subscribers.

Read also

Zeinab Harake, fan girl kina Dingdong at Marian; "My forever lodi, My Marimar"

Samantala, nito lamang nagdaang taon, isa ang pelikula ni Vice sa naging official entry ng Metro Manila Film Festival 2022.

Matatandaang na-call out pa umano ng kanyang fans si Ivana Alawi na hindi raw gaanong nakikita na nagpo-promote ng kanilang pelikula. Gayunpaman, isa ang kanilang pelikula sa tumabo sa takilya kasama ng Deleter na pinagbibidahan naman ni Nadine Lustre.

Kamakailan, isa si Vice sa masayang sumalubong kay Vhong Navarro sa pagbabalik nito sa programang It's Showtime.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel