Asian Best Actress Jodi Sta. Maria, naging litratista sa Taiwan ng mga kapwa turista

Asian Best Actress Jodi Sta. Maria, naging litratista sa Taiwan ng mga kapwa turista

- Ibinahagi ni Jodi Sta. Maria ang kanyang naging karanasan sa Taiwan kung saan naging isa siya umanong photographer

- Sa kanyang Twitter post, makikitang nag-effort pa si Jodi sa pagkuha ng larawan sa mga turista

- Dahil dito, hinangaan si Jodi sa ipinakitang pagpapakumbaba sa kabila ng estado niya sa buhay

- Natapos ang taong 2022 kay Jodi na puno ng biyaya nang magwagi siya bilang Best Actress Asian Academy Creative Awards

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Makulit na ibinahagi ni Jodi Sta. Maria ang naging karanasan niya nang bumisita siya sa Taiwan.

Asian Best Actress Jodi Sta. Maria, naging litritista sa Taiwan ng mga kapwa turista
Jodi Sta. Maria (@jodistamaria)
Source: Twitter

Nalaman ng KAMI na ilang turista ang nagpakuha umano ng litrato sa kanya. Ito ay hindi dahil isa siyang artista kundi siya mismo ang kukuha ng larawan sa apat na turista.

Sa kanyang Twitter post, makikita si Jodi na sinisigurong maganda at maayos ang anggulo ng kuha niya sa mga turista.

Read also

Toni G, ibinahagi ang highlights ng kanyang concert; Daddy Bonoy, napasabak sa kantahan

Dahil dito, hinangaan si Jodi sa pagiging mapagkumbaba nito at hindi binigo ang mga turista na nakisuyo sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Maganda na, mabait pa... Good Morning po talaga Ms. Jodi"

"Uy mga beh, Asian best actress ang kumukuha ng picture niyo! Napaka-humble"

"Ang swerte naman ng apat na 'yan. Best Actress ang taga-picture nila"

"Umeffort pa talaga si Jodi, mabait talaga"

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga iconic actresses sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang si "Maya" sa 'Please Be Careful With My Heart.' Siya ay nabiyayaan ng isang anak na lalaki na si Thirdy.

Matatandaang bago magtapos ang taong 2022, may pahabol na biyaya si Jodi nang magwagi bilang Best Actress sa Asian Academy Creative Awards.

Siya ang kauna-unahang Pinay na nagkamit ng nasabing award para sa pagganap niya bilang si Doktora Jill Ilustre sa TV series na 'Broken Marriage Vow.'

Read also

Ellen Adarna, nakakatanggap ng dibidendo mula sa pamilya

Naging usap-usapan talaga ang pagganap ni Jodi sa serye lalo na sa episode kung saan kahit walang sinasabing linya ay kitang-kita ang emosyon at husay niya bilang aktres.

At sa pagtatapos na ang serye, umani ng papuri ang bawat artistang gumanap sa kanilang proyekto na talaga namang kinakitaan ng husay sa kanilang pagganap ng kani-kanilang karakter. Gayundin ang mga direktor at bumubuo ng buong produksyon sa paglikha ng isang napakagandang obra.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel