Toni G, ibinahagi ang highlights ng kanyang concert; Daddy Bonoy, napasabak sa kantahan

Toni G, ibinahagi ang highlights ng kanyang concert; Daddy Bonoy, napasabak sa kantahan

- Ibinahagi ni Toni Gonzaga ang highlights ng kanyang 20th anniversary concert

- Doon makikita ang dami ng taong dumagsa di umano sa Araneta Coliseum noong Enero 20

- Isa rin sa surpresa sa naturang concert ay ang song number ng kanyang Daddy Bonoy

- Sa kabila ng mga kontrobersya, aminadong naging emosyonal si Toni sa umano'y tagumpay ng kanyang concert

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Toni Gonzaga ang highlights ng kanyang 20th anniversary concert na ginanap noong Enero 20 sa Araneta Coliseum.

Toni G, ibinahagi ang highlights ng kanyang concert; Daddy Bonoy, napasabak sa kantahan
Toni Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ipinakita sa naturang highlights ang ilan sa mga special guests ni Toni na nakisaya sa kanyang concert.

Isa na rito ang kanyang Daddy Bonoy na hindi lamang bumati sa kanyang dalawang dekada sa industriya ng showbiz kundi naghandog din ito ng awitin sa panganay niyang anak.

Makikita ang pag-awit ni Daddy Bonoy ng 'Ikaw ang lahat sa akin', na itinuloy naman ng "Concert King" na si Martin Nievera.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang sweet naman ni Daddy Bonoy," ayon sa isang netizen.

"Kaya naman pala talented ang anak kasi talented ang daddy," ayon pa sa isang nakapanood ng video.

Bukod kina Daddy Bonoy at Martin Nievera, nagtanghal din sa entablado si Andrew E at ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga.

Isang video na kuha rin umano sa naturang concert ni Toni ang lumabas kung saan nagbiruan ang magkapatid tungkol sa cake.

Ani Toni, na nag diriwang din ng kanyang kaarawan, wala umano siyang cake sa naturang concert dahil inilalayo na nila umano ito sa kapatid na si Alex. Matatandaang halos kakahupa lamang ng isyu kay Alex na namahid 'di umano ng icing ng kanyang cake sa waiter na may dala nito.

Matatandaang gumawa rin ng ingay kamakailan ang mister ni Toni na si Direk Paul Soriano nang sabihin umano nitong most powerful celebrity ang kanyang misis.

Inalmahan naman ito ng ng marami dahil sa ang naging basehan nila umano ay ang pelikula nitong My Teacher na hindi manlang nakapasok sa top 4 ng MMFF movies noong 2022.

Gayunpaman, base sa inilabas nilang video at mga nakapanood mismo, tila bumawi si Toni at masasabng isang tagumpay ang kanyang 20th anniversary concert.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel