Larawang kuha umano bago magsimula ang anniversary concert ni Toni Gonzaga, viral

Larawang kuha umano bago magsimula ang anniversary concert ni Toni Gonzaga, viral

- Agaw eksena sa social media ang umano'y mga larawang kuha bago magsimula ang concert ni Toni Gonzaga

- Kapansin-pansin na halos wala pa umanong tao ang Araneta Coliseum, ang lugar kung saan ito idaraos

- May ilang dumipensa naman kay Toni at sinabing maaga pa ito nang makuhanan ng larawan at naniniwalang mapupuno pa ito kung malapit na itong magsimula

- Samantala, isang netizen naman ang nagpakita ng umano'y larawang kuha nang magsimula na nga ang anniversary concert ni Toni

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na nag-viral ang mga larawang kuha sa 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga na kasalukuyang ginaganap sa Araneta Coliseum ngayong Enero 20.

Larawang kuha umano bago magsimula ang anniversary concert ni Toni Gonzaga, viral
Toni Gonzaga (Toni Gonzaga Official)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kuha ito bago magsimula ang concert at kapansin-pansing kakaunti lamang umano ang mga tao.

Read also

Toni G, ibinahagi ang highlights ng kanyang concert; Daddy Bonoy, napasabak sa kantahan

Gayunpaman, sa comment section, may mga nagtanggol naman kay Toni at sinabing maaring maaga pa masyado nang makunan ito ng larawan.

Malaki raw ang posibilidad na mapuno ang Araneta kapag nagsimula na ang inaabangang concert ni Toni.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Baka naman ilang hours before the concert yan e talagang wala pa ngang tao,"

"'Pag malapit na yang magstart pustahan dadami rin yan," ang ilang nasabi ng netizens.

Samantala, isa umanong netizen ang nagbahagi muli ng sitwasyon sa concert ni Toni nang magsimula na umano ito.

Matatandaang kabi-kabilang kontrobersiya ang kinaharap ni Toni sa concert na ito kasabay pa umano ng kinahinatnan ng pelikula niyang My Teacher.

Isa na rito ang umano'y pagbili ng 500 tickets ng kanyang inang si Mommy Pinty na pawang nabanggit sa Showbiz channels nina Cristy Fermin at Ogie Diaz.

Read also

Cristy, sinabing maraming beses nang nagpapadala ng pagkain si Sarah sa ina

Narito ang mga nasabing larawan na naibahagi rin ng Pilipino Star Ngayon Digital:

Matatandaang gumawa rin ng ingay kamakailan ang mister ni Toni na si Direk Paul Soriano nang sabihin umano nitong most powerful celebrity ang kanyang misis.

Tinaasan naman ito ng kilay ng marami dahil sa ang naging basehan nila umano ay ang pelikula nitong My Teacher kung saan hindi manlang ito nakapasok sa top 4 ng MMFF movies noong 2022.

Isa rin umano ito sa naging basehan ng kahihinatnan din 'di umano ng anniversary concert ni Toni na ngayong 20 taon na sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel