Ogie D, naunawaan si Mommy Pinty sa umano'y biniling 500 tickets sa concert ni Toni

Ogie D, naunawaan si Mommy Pinty sa umano'y biniling 500 tickets sa concert ni Toni

- Nagbigay reaksyon ni Ogie Diaz sa napapabalitang mga ticket na binili ni Mommy Pinty sa paparating na concert ng anak na si Toni Gonzaga

- Ayon kay Brenda ng Showbiz Updates, 500 tickets umano ang binili ni Mommy Pinty bagay na kanilang pinagtakhan

- Depensa naman ni Ogie Diaz, ina ito na sumusuporta sa concert ng anak

- Maaring ipamimigay naman ito sa kamag-anak o malalapit sa kanila na wala nang oras para makabili pa ng ticket sa nasabing anniversary concert ni Toni

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa tinalakay ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ay ang napapabalitang mga tickets na binili umano ni Mommy Pinty para sa concert ng anak na si Toni Gonzaga.

Ogie, dinipensahan si Mommy Pinty sa umano'y biniling 500 tickets sa concert ni Toni
Mommy Pinty and Toni Gonzaga (@mommypinty)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na habang papalapit na ang naturang concert, maugong ang balitang 500 tickets ang pauna nang binili ni Mommy Pinty.

Read also

Mommy Mary Ann, ibinida ang mga bonggang regalo sa kanya ni Dominic Roque

Sa kabila ng mga negatibong reaksyon umano ng mga netizens na maaring hindi pa gaanong mabenta ang tickets, dinipensahan naman ni Ogie Diaz si Mommy Pinty bilang isa ring magulang.

"Ako naman naniniwala ako kung gaano mo kamahal ang isang tao, susuportahan mo" ani Ogie Diaz.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Syempre nanay 'yun Mrena, susuportahan niya 'yung anak niya," dagdag pa niya.

Maaring ipamigay umano ni Mommy Pinty ang mga tickets sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak na wala umano nang oras para bumili nito.

Gayunpaman, hangad nila ang success ng nasabing show ni Toni lalo na at 20th anniversary pa naman niya ito.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Source ni Cristy Fermin, sinabing dalawa lang umano silang nanood ng My Teacher sa sinehan

Matatandaang dinipensahan naman ni Ogie Diaz ang naging usap-usapan kamakailan ukol sa sinasabi ng netizens na plastikan lamang umano ang pagbati nina Vice Ganda at Toni Gonzaga sa MMFF parade. Ani Ogie, hindi naman magkaaway ang dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel