Ogie Diaz, ibinahagi ang pang-iisnab umano sa kanya noon ng baguhang artista

Ogie Diaz, ibinahagi ang pang-iisnab umano sa kanya noon ng baguhang artista

- Naikwento ni Ogie Diaz na siya mismo'y nakaranas din ng pang-iisnab ng isang baguhang artista

- Aniya, dinaan-daanan lamang siya nito ngunit agad din niya itong tinawag para kausapin

- Agad-agad niyang kinumpronta ang artistang ito na naging kaibigan din niya kalaunan

- Magsilbing aral umano ang mga ganitong pangyayari sa mga bagong artista na importante ang pagbati kanino man

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa gitna ng kontrobersyal na post ni Tuesday Vargas patungkol sa umano'y love team na hindi manlang siya nabati, ibinahagi rin ni Ogie Diaz ang naranasan niyang insidente kung saan dinaan-daanan lang siya noon ng isang baguhang artista.

Ogie Diaz, ibinahagi ang pang-iisnab umano sa kanya noon ng baguhang artista
Ogie Diaz (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na matapos matalakay sa kanyang Showbiz Update channel ang tungkol sa post ni Tuesday, naikwento ni Ogie ang insidenteng hindi nalalayo sa ikinasasama umano ng loob ni Tuesday.

Read also

Andrew Schimmer, tila nagpahiwatig umano ng kasal sa misis; "very very soon"

"It happened to me also. 'Yung bata hindi ko talaga napigilan. tinawag ko siya, sabi ko 'huy kanina ka pa daan ng daan dito, di mo manlang ako batiin. EP mo 'to o, sabi ko sa kanya"

Ayon sa baguhang artista, nahihiya raw ito kaya hindi niya nagagawang bumati.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Mula noon, pinangaralan ko 'yung bata, bumabati na siya kahit kanino," ani Ogie.

Ang kaibahan lamang, hindi na niya isinulat pa ang tungkol sa insidente at agad na kinusap ang baguhang artista na ito na natuto umano sa pangyayaring iyon."O 'di okay kami ngayon, magkaibigan kami."

Aniya, magsilbing aral umano ang insidenteng ito sa mga baguhan sa showbiz na mahalaga ang pagbati kanino man.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Xian Gaza, pinayuhan si Vhong Navarro: "Gayahin mo ako... Madidiin ka lang diyan"

Sa isa sa mga episode ni Ogie D sa kanyang Showbiz Update channel, nakapanayam niya si Joshua Garcia na sinabing 'single' daw umano siya ngayon.

Aniya, nakakaramdam siya ng inggit sa umano'y showbiz couples na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na pawang mga kasama niya sa Japan kamakailan.

Naging usap-usapan din ang pahayag ng aktor na si Christian Bables sa Showbiz Update channel ni Ogie Diaz. Nilinaw ni Christian na 'straight' siya taliwas sa pag-aakala ng iba na isa siyang beki dahil sa mga nagiging roles niya kamakailan sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel