Ogie Diaz, naloka kay Paco na may limang anak na iba-iba ang ina; "Magkakaibigan sila"

Ogie Diaz, naloka kay Paco na may limang anak na iba-iba ang ina; "Magkakaibigan sila"

- Naloka si Ogie Diaz nang malamang lima na anak ni Paco Respacochaga at iba-iba rin ang mga ina nito

- Kasama na rito ang panganay niyang anak na si Heaven na ayon kay Ogie ay kamukhang-kamukha na ng ama

- Ayon pa kay Paco, magkakaibigan ang mga ina ng kanyang mga anak na hindi naman niya umano pinagsabay-sabay

- Si Paco Arepacochaga ang drummer ng 90's band na Introvoys na nagpasikat ng mga kantang 'Di na ako aasa pa at Line to Heaven

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong naloka si Ogie Diaz nang malamang lima na ang anak ni Paco Arespacochaga at iba-iba pa umano ang mga ina nito.

Ogie Diaz, naloka kay Paco na may limang anak na iba-iba ang ina; "Magkakaibigan sila"
Paco Arespacochaga (@arespacochaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nakapanayam ni Ogie Diaz si Paco sa Amerika kung saan na ito namamalagi ngayon.

Unang kinumusta ni Ogie ang panganay na anak ni Paco na si Heaven. Ito ang anak nila ng singer-actress na si Geneva Cruz.

Read also

Andrea Brillantes, sineryoso ang pagpapayat; nasabihan umano ng ABS-CBN ayon kay Ogie D

Doon nalaman din ni Ogie D na bukod kay Heaven, may apat pang mga anak si Paco.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Lima na sila, 4 boys 1 girl," ani Paco at sinabing iba-iba umano ang mga ina ng kanyang mga anak.

Mas naloka pa si Ogie nang malamang magkakaibigan pa umano ang mga ina ng mga anak ni Paco.

"Hindi naman sila pinagsabay-sabay," paglilinaw pa ng drummer ng Introvoys.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Ogie kay Paco mula sa Showbiz Update channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Erik Santos, napahagulhol sa pagbabahagi ng mga huling sandali ng kanyang ina

Sa isa sa mga episode ni Ogie D sa kanyang Showbiz Update channel, nakapanayam niya si Joshua Garcia na sinabing 'single' daw umano siya ngayon.

Aniya, nakakaramdam siya ng inggit sa umano'y showbiz couples na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na pawang mga kasama niya sa Japan kamakailan.

Naging usap-usapan din ang pahayag ng aktor na si Christian Bables sa Showbiz Update channel ni Ogie Diaz. Nilinaw ni Christian na 'straight' siya taliwas sa pag-aakala ng iba na isa siyang beki dahil sa mga nagiging roles niya kamakailan sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel