Joshua Garcia, umaming 'single'; "Wala akong kasama sa Japan"

Joshua Garcia, umaming 'single'; "Wala akong kasama sa Japan"

- Napaamin ni Ogie Diaz si Joshua Garcia na siya raw ay 'single' pa rin sa ngayon

- Nabanggit din nito na kaya nga siya walang kasamang partner sa Japan dahil siya umano ay single

- Matatandaang kasing kasama siya nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde gayundin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na pawang mga kaibigan niya

- Aminado rin siyang naiinggit minsan sa mga 'couple' na kasama niya subalit na-enjoy naman niya nang husto ang pagbisita roon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang sinagot ni Joshua Garcia ang tanong ni Ogie Diaz kung single nga ba siya o nasa isang relasyon ngayon.

Joshua Garcia, umaming 'single'; "Wala akong kasama sa Japan"
Joshua Garcia (@garciajoshuae)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na agad na sumagot si Joshua at sinabing single siya sa ngayon

Aniya, nakakaramdam siya ng inggit sa umano'y showbiz couples na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Read also

Kean Cipriano, makulit na inalala ang kakaibang nagawa sa kanya ng isang fan

"Nandun 'yung inggit pero sa'kin na lang 'yun di ba? Di mo kailangan sabihin 'yun. may mga times na maiinggit ka. Sarap sana ng may kayakap ka dito. Pero kasama mo 'yung mga kaibigan mo. Hindi sila 'yung PDA na nagyayakapan o ano. Parang as one kami. 'Di ko naramdaman na naiwan ako 'dun," kwento ni Joshua.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Saka 'pag may times na naglalakad ako mag-isa, nae-enjoy ko 'yun kasi nasa Japan ako.

"May isang araw dun na lumabas ako. NAg-shopping ako. Kasi that day, 'yun yung free day namin. May itinerary kami, may araw kami na free day kami. Syempre partner ko, google map and uber."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Read also

Christian Bables, sinabing 'straight' siya; bukas sa posibilidad na ma-attract sa kabaro

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel