RR Enriquez, umalma sa AlDub fans na nagsasabing may anak si Alden at Maine

RR Enriquez, umalma sa AlDub fans na nagsasabing may anak si Alden at Maine

- Natawag ni RR Enriquez na 'hibang' ang mga Aldub fans na umano'y naniniwalang kasal sila at mayroon nang anak

- Ito ay dahil sa naging interview ni Ogie Diaz kay Maine Mendoza kung saan muling pinabulaanan ni Maine ang 'kasal at anak' nila ni Alden

- Dahil dito, samu't saring reaksyon ang kanilang natanggap mula sa publiko lalo na sa AlDub fans na ang ilan ay na-bash pa 'di umano si Ogie D

- Ani RR, inaasahan din niyang ma-bash ng ilang AlDub fans sa nasabi niyang ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si 'Sawsawera Queen' RR Enriquez ay nagbigay komento sa muling nabuhay na isyu nina Maine Mendoza at Alden Richards na umano'y ikinasal at may anak na raw.

RR Enriquez sa mga AlDub fans; "Totoo naman, hibang naman talaga kayo"
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na ito ay matapos maisa-ere ni Ogie Diaz ang panayam niya kay Maine at pinabulaanan muli ng Eat Bulaga host ang mga umano'y 'kinakapitan' at patuloy na pinaniniwalaan ng ilan sa kanilang mga fans.

Read also

Nadine Lustre, bukas sa posibilidad na makatrabaho si James Reid

Dahil dito, hindi rin naiwasan ni RR na tila pangaralan ang ilang AlDub fans na hindi pa rin matanggap ang umano'y katotohanang hindi na magkakatuluyan pa sa totoong buhay ang kanilang mga iniidolo.

"Parang ito ang pinakagrabeng love team. Parang alam mo na na-engage na si Maine Mendoza pero yung ibang mga fans di ko magets, bakit ayaw niyo maniwala? Pero hindi ko naman nilalahat," ani RR.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"If you really love your idol. Dapat maging masaya kayo sa pipiliin niya especially sa love life. Kung talagang idolo niyo sila, susuportahan niyo sila," dagdag pa niya.

Ang hindi rin daw niya maunawaan ay kung bakit hindi napansin ng fans na hindi naman nawala si Maine sa Eat Bulaga kung totoo naman na ito ay nagbuntis.

"Kung everyday gumagawa ng Eat Bulaga si Maine Mendoza, papano siya nabuntis. Di ko talaga ma-gets," aniya.

Read also

RR Enriquez sa umano'y paglantad nina Paolo at Yen: "Time is the ultimate truthteller"

Dahil dito, diretsahan niyang nasabi na tila hibang ang ilang mga AlDub fans na patuloy na naiisip ang kasalan at pagkakaroon ng anak ng dalawa.

"O baka naman pati ako i-bash niyo. Sasabihin niyo tinatawag ko kayong hibang. E kailangan din naman kayong i-korek. Totoo naman talaga, hibang ang tawag sa inyo... Bahala kayo, sanay ako sa bashing. Matibay ako"

Gayunpaman, ipinaunawa rin ni RR sa mga AlDub fans na sana'y irespeto nalang ng mga ito ang desisyon ng kanilang mga iniidolo na na at engaged na si Maine sa actor politician na si Arjo Atayde.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR na mula sa kanyang YouTube channel na RR Enriquez Sawsawera Queen:

Sa ngayon, isa sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'brutally honest opinion' sa iba't ibang mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Read also

Cristy Fermin, hanga kay Neil Arce sa 'magandang atake' nito sa pagsagot sa isyu

Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel