Nadine Lustre, bukas sa posibilidad na makatrabaho si James Reid

Nadine Lustre, bukas sa posibilidad na makatrabaho si James Reid

- Ayon kay Nadine Lustre, bukas naman siya na makatrabahong muli ang ex-boyfriend niyang si James Reid

- Ito ay kung maganda naman umano ang project lalo at hindi naman sila magkaaway ni James

- Gayunpaman, aniya ay wala nang posibilidad na magkakabalikan sila ni James kaya dapat umano ang mga fans nila ay mag-move on na rin

- Dagdag pa niya, panahon na para makapagsimula sila ng bagong chapter sa buhay nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bukas si Nadine Lustre sa posibilidad na makatrabahong muli ang dating karelasyon na si James Reid. Sa isang panayam na binahagi sa YouTube channel na Very Wᶏng, sinabi niyang maari umano itong mangyari kung maganda naman ang project.

Nadine Lustre, bukas sa posibilidad na makatrabaho si James Reid
Nadine Lustre, bukas sa posibilidad na makatrabaho si James Reid (@james)
Source: Instagram

Dagdag pa niya, hindi naman sila magkaaway ni James kaya hindi naman imposible na mangyari iyon.

Gayunpaman, aniya ay wala nang posibilidad na magkakabalikan sila ni James kaya dapat umano ang mga fans nila ay mag-move on na rin. Dagdag pa niya, panahon na para makapagsimula sila ng bagong chapter sa buhay nila.

Read also

RR Enriquez sa umano'y paglantad nina Paolo at Yen: "Time is the ultimate truthteller"

“2023 na po. It’s time for us to start a new chapter,”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si James Reid ay isang Filipino-Australian actor. Una siyang nakilala bilang isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother: Teen Clash kung saan siya ang tinanghal na big winner noong 2010. Nakilala ang tambalan nila ng kanyang dating nobya na si Nadine Lustre bilang "JaDine." Matatandaang Enero ng taong 2020 nang aminin nina James at Nadine na hiwalay na sila. Gayunpaman, nanatili umano silang magkaibigan kaya ilang beses din silang namataang magkasama kahit hiwalay na sila.

Sa kanyang Instagram post, isinapubliko ni James ang tungkol sa kanyang binibentang bahay. Nagbahagi din siya ng mga pictures ng iba't-ibang bahagi ng nasabing bahay na matatagpuan sa Loyola Grand Villas, Katipunan. Hindi naman mapigilang malungkot ng mga tagasuporta ng tambalang JaDine dahil ito ang bahay kung saan nagkasama ang dalawa noong hindi pa sila naghiwalay. Hindi man kinukumpirma ni Nadine, ilang beses nang namamataan ang aktres na kasama ang kanyang napapabalitang bagong karelasyon.

Read also

Jaclyn Jose, nagbabala kaugnay sa gumagamit ng pangalan niya para makapanloko

Kamakailan ay namataan si James sa graduation ng kapatid niyang si Chantal Calicdan. Nagbahagi ng mga pictures nila ang kapatid niya na kuha sa araw ng kanyang pagtatapos. Marami naman sa mga netizens ang bumati at natuwa kay James dahil sa pagiging supportive nito sa kanyang kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel