RR, naikwentong minsan na siyang na-expel sa paaralan; "May sinagot-sagot akong teacher"

RR, naikwentong minsan na siyang na-expel sa paaralan; "May sinagot-sagot akong teacher"

- Naikwento ni RR Enriquez na minsan na pala siyang na-expel sa pinapasukang paaralan

- Sinagot umano niya ang kanyang teacher, dahilan upang siya ay ma-suspend muna ng ilang araw

- Hanggang sa naulit pa rin umano ang pagsagot sa teacher pati narin sa iba pa niyang kaklase

- Gayunpaman, masasabi ni RR na napagtagumpayan niya ito na bunga ng kanyang pagsisikap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni RR Enriquez na minsan na siyang na-expel sa paaralan. Ito ay kanyang naibahagi matapos na mabigyang komento ang kontrobersyal na panununtok umano ng NCAA player na si John Amores sa miyembro ng nakalaban nilang team kamakailan.

RR, naikwentong minsan na siyang na-expel sa paaralan; "May sinagot-sagot akong teacher"
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Ayon kay RR, tila naka-relate siya sa sitwasyon na ito ni Amores na malaki ang posibilidad na alam niyang mali ang kanyang nagawa.

Iyon halos kasi ang naranasan ni RR noong siya'y nag-aaral pa. Hindi lamang kasi kaklase niya ang kanyang nasasagot o nakakaaway kundi maging ang kanyang teacher.

Read also

RR sa NCAA player na umano'y nanuntok ng kalaban; "I-pursue mo ang pagiging boxer"

"Natatandan ko sa school namin noon high school, May sinagot-sagot akong teacher, nasuspend ako for like three days. After that balik ka sa school di ba, pasok ka na ulit. forget then move forward. E ang tigas ng ulo ng Kasawsawera queen ninyo. Laging nakikipag-away saestudyante pati sa teacher. One day dumating yung panahon na di nila kinaya attitude ko, na-expelled na ako. Sobrang sama ng loob ko dahil na-expel ako. HIndi na tlaaga nila ako pina-graduate kasi nga di ba, di ka na tinanggap sa school," pagbabalik-tanaw ni RR.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Naisip ko, shocks parang tinanggalan ako ng future ng mga 'to 'di ba? Nakakahiya sa buong ano kasi expelled ka. Pero I believe talaga, hindi naman doon natatapos ang lahat-lahat."

Ngunit hindi niya ito ginawang dahilan upang hindi maging matagumpay ngayon sa kanyang buhay.

Read also

Liham ng magulang sa teacher tungkol sa pagliban ng anak, nagpaluha sa maraming netizens

"Nagsikap ako sa buhay ko. O tingnan niyo naman ako ngayon.Queen sawsawera na tayo," aniya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa RR ENRIQUEZ Sawsawera Queen YouTube channel:

Sa ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz. Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel