RR sa NCAA player na umano'y nanuntok ng kalaban; "I-pursue mo ang pagiging boxer"

RR sa NCAA player na umano'y nanuntok ng kalaban; "I-pursue mo ang pagiging boxer"

- Nagbigay komento si Sawsawera Queen sa kontrobersyal na panununtok umano ni John Amores sa ilang kapwa niya NCAA players

- Ani RR, sakaling hindi na muli ito makapagbasketaball dahil sa insidente, maari na lamang daw itong mag-boxing

- Ito ay dahil hindi raw ito ang unang pagkakataon na nagawa ito ni Amores habang sila ay nasa laro

- Nagbigay komento rin ang mga batikang PBA players na sina Jayjay Helterbrand at Rico Maierhofer sa naturang insidente

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga sinawsawang issue ni Sawsawera Queen RR enriquez ay ang kontrobersyal na panununtok umano ni John Amores ng Jose Rizal University sa ilang nakalaban nilang players ng College of St. Benilde.

RR sa NCAA player na umano'y nanuntok ng kalaban; "I-pursue mo ang pagiging boxer"
Photo: RR Enriquez
Source: UGC

Aniya, sakaling hindi na muling makapaglaro si Amores sa basketball, maari na lamang daw nitong karirin ang pagiging isang boxer.

Read also

RR Enriquez, ipinagtanggol si Zeinab Harake; "Sila 'yung mga hypocrite"

"Kung hindi ka na nila tanggapin sa basketball, meron akong nakikitang magandang future sa'yo, i-pursue mo ang pagiging boxer. Charot! Malay mo, ang hilig mong makipagsuntukan.O di ba parang dalawang beses mo nang ginawa 'yan. Bakit hindi ka mag-training sa boxing? Baka doon sa boxing magkaroon ka ng magandang future... So kung ako sa'yo sundin mo si Kasawsawera Queen, mag-boxing ka na lang," pabirong nasabi ni RR.

Gayunpaman, nasabi rin ni RR na sana'y mabigyan pa ng pagkakataong makabalik sa paglalaro si Amores at matupad pa rin nito ang pangarap niyang maging isang tnyag na basketbolista.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, nasabi rin ni RR na sana'y mabigyan pa ng pagkakataong makabalik sa paglalaro si Amores at matupad pa rin nito ang pangarap niyang maging isang kilalang basketbolista.

Sa ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz. Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Matatandaang sa isa sa kanyang mga episodes, makulit na hinamon ni RR si Ivana Alawi ng paseksihan. Isang karangalan daw umano ay RR na maihambing pa kay Ivana gayung alam niya na ito'y mas bata sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel